🍊 Chapter Twenty 🍊
"MAYO! MAYO!"
"Papa!" Napabalikwas ng higaan si Mayo nang marinig niya sa kanyang utak ang boses ng kanyang Papa. Pero bigla siyang natigilan nang mapagtanto niyang nasa loob na siya ng kanyang kuwarto.
Napahawak siya sa kanyang ulo. Wala siyang ideya kung papaano siya nakabalik ng ligtas samantalang ang natatandaan niya ay nawalan siya ng malay-tao sa gitna ng pagtakas niya kagabi.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang maramdaman niya ang pagbaliktad ng kanyang sikmura. Nagmamadali siyang tumakbo sa kanyang banyo at dumiretso siya sa bowl para doon sumuka.
Dinig na dinig sa bawat sulok ng kanyang kuwarto ang pagduduwal niya.
Nangilid ang luha sa mga mata niya dahil ramdam na ramdam niya ang hirap ng pagsusuka niya. Kulang nalang pati laman-loob niya ay ilabas na niya.
Nadinig niyang tumunog ang kanyang cellphone pero hindi niya ito pinansin.
Nanghihina muli siya. At nakakaramdam ng hilo.
Hindi na talaga maganda ang pakiramdam niya. Hindi na rin maganda ang kutob niya.
Umiling-iling siya.
Sana nagkakamali lang siya.
Nasa ganoon siyang sitwasyon nang bumukas ang pintuan. At pumasok roon si Sydney.
"Miss Mayo!" bulaslas nito nang maabutan siya nitong nagsusuka sa bowl. Dali-dali siya nitong nilapitan, hinagod nito ang kanyang likuran. Nagawa rin nitong punasan ang kanyang mga pawis.
Kahit papaano ay gumaan-gaan na rin ang pakiramdam ni Mayo dahil sa ginawa ni Sydney sa kanya. Nagawa na rin siya nitong alalayan pabalik sa kanyang higaan.
Pumikit siya dahil ramdam pa rin niya ang hilo.
"Paano ako nakabalik rito?" nagawa na niyang itanong iyon kay Sydney habang patuloy nitong pinupunasan ng basang tuwalya ang braso niya.
"Sinundan kayo ni Sir Yuki," tugon nito, "Kilalang-kilala ka niya. Alam niyang tatakas ka ng gabing iyon na hindi ako kasama."
Hindi na siya kumibo. Ibig sabihin hindi siya nananaginip noong nadinig niya ang boses ni Yuki kagabi bago siya nawalan ng malay-tao.
"Pinapasabi ni Sir Yuki na kailangan mo munang magpahinga. Ako na lang po ang bahala sa inyo. Nagawa n'yo na rin naman po ang mission ninyo," nakangiting saad ni Sydney.
Hindi na siya kumibo pa. Pinikit na lang niya ang mga mata niya, at sinubukan niyang muling matulog.
Hindi na muli niya alam kung ilang oras siyang nakatulog. Pero dahil sa ginawa niyang iyon, gumaan ang pakiramdam niya. Naisip niya, marahil ay masyado lang siyang stress lately kaya sumasama ang pakiramdam niya.
Bahagyang nakahinga siya ng maluwag.
Naisipan na lang niyang maglakad-lakad sa buong training camp nang hapon na iyon kasama si Sydney. Chineck niya ang ibang agent kung ginagawa ba ng mga ito ang kani-kanilang task.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...