🍊 Chapter Fourty 🍊
BUONG LAKAS NA ITINARAK NI YUKI ang kanyang katana sa dibdib ng isang kalaban. Duguang humandusay ito sa sahig. Iyon ang huling kalaban na pinatumba niya.
"Sydney!"
Dinig ni Yuki, kasunod niyon ang pagtama ng bala sa kung saan parte ng kinaroroonan nila. Napayuko siya sa gulat. Pero natigilan siya nang marinig niya ang malakas na pagsigaw ni Sydney, namamalipit ito sa sobrang sakit, at nasa harapan nito si Norman.
Naramdaman ni Yuki ang pangangatog ng kanyang kamay nang makita niya ang lalaki. Ewan nga ba niya kung bakit hindi niya mapigilan ang takot na nararamdaman niya sa tuwing makikita ito.
Pero kailangan niya iyon malabanan kung ayaw niyang mapahamak ang mga tao sa paligid niya.
Sinubukan niyang sugurin ito. Pero para lang itong kidlat sa bilis. At nagawa nitong depensahan ang kanyang pag-atake. Pagkaraan ay mabilis siya nitong hinawakan sa kanyang panga, at mabilis na isinandal sa pader.
Naramdaman ni Yuki ang pagbaon ng mga kuko nito sa kanyang leeg.
Nasa ganoon silang sitwasyon nang dumating si Cobi.
"Kuya!" sigaw nito, at saka nito lng sinubukang atakihin ang lalaki.
Pero mabilis iyong nailagan ni Norman. At dahil doon ay nabitawan nito si Yuki.
Nanghihinang napaupo si Yuki habang panay ang pag-ubo niya. Sadyang napakabilis nito. Marahil matindi ang pinagdaan nito bago nito narating ang Rank Number Three.
"Kamukha-kamukha ninyo ang mga magulang ninyo!" natatawang sabi nito.
Kapwa sila natigilan ni Cobi. Ibig sabihin kilala ng lalaking ito ang mga magulang nila.
"Lalo ka na!" turo ni Norman kay Yuki, "Hindi mo pa ba ako natatandaan?"
Napakunot ang noo ni Yuki. Wala siyang ideya kung ano ba ang sinasabi nito sa kanya. At lalong hindi niya ito natatandaan.
"Kuya!" Tawag ni Arjhay sa kanila pero bigla itong natigilan nang makilala nito ang lalaking naroroon.
At dahil sa nakita, mabilis na sumugod si Arjhay. Pero mabilis pa ring nakailag ni Norman. Nagawa pa nitong sikmuraan si Arjhay.
"Arjhay!" tawag ni Yuki sa kapatid.
Bumagsak si Arjhay sa lupa. Namalipit ito at halos hindi ito makahinga sa sobrang sakit ng naramdaman nito sa sikmura.
"Arjhay!" nagawa nang lapitan ni Cobi ang kapatid.
Samantala, sinubukan muling kalabitin ni Mayo ang baril na hawak niya pero nagulat siya nang wala na pa itong bala. Napamura siya dahil sa nangyari. At dali-dali niyang nilapitan ang mga bangkay sa paligid. Hinalungkat niya kung mga baril ba doon. Pero habang hinahanap niya ang baril na gamit kanina ni Dominic ay narinig na naman niya ang malakas na sigaw ni Yuki.
"Walang hiya ka!" ani Yuki at galit na galit na sinugod si Norman.
Sumali na rin sa pagsugod si Cobi at Arjhay. Wala na silang iniisip sa mga sandaling iyon kungdi ang patayin ito.
BINABASA MO ANG
CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete)
ActionTITLED: CODENAME: Grumpy (BOOK 3) GENRE: Action/Romance/Mystery Si Grumpy, ang masungit at supladong dwarf ni Snow White. Ito ang dahilan kung bakit iyon ang binigay na Codename kay Yuki ng bayaw niyang si Kuya Agustin nang pumasok siya Secret Organ...