Chapter 23

65 4 0
                                    

🍊 Chapter Twenty-Three 🍊

HINDI NA ALAM NI YUKI kung makailang beses na siyang nagpaikut-ikot sa loob ng kanyang opisina. Ngayon lang kasi gumulo ng husto ang utak niya ng ganito. Aaminin niya sa kanyang sarili na natakot siya nang malaman niyang nagdadalang-tao si Mayo. Aba, malay ba niya kung papaano maging isang ama? Alam lang niya kung paano kumitil ng buhay hindi ang maging isang ama.

Isang linggo rin niya iyon pinag-isipan sa Spain. Ang buong akala niya maaayos na ang lahat sa oras na malaman na nito ang totoo. Ang buong akala niya, gaanon lang din kadali ang lahat. Bago siya bumalik sa Pilipinas, tinanggap na niya sa kanyang sarili na kailangan niyang panagutan si Mayo. Responsibilidad niya iyon. Pero bakit ayaw tanggapin ni Mayo ang kasal na inaalok niya?

Ano bang problema?

Si Mayo ba ang may problema, o siya?

Inisip niyang mabuti kung may nasabi ba siyang masama. Tinanong lang naman niya ito kung gusto na ba nitong magpakasal, ah! Pero taliwas sa kanyang iniisip ang naging reaksyon nito.

"Kakaiba talaga siya," inis niyang bulong sa kanyang sarili.

Alam niya kung ibang babae lang ang tinanong niya ng ganoon marahil hinimatay pa ito sa sobrang tuwa. Pero itong si Mayo! Ito lang ang tumatrato sa kanya ng ganoon. Kahit noon pa! Hindi niya ito mahawakan bilang agent niya.

May sarili itong mundo.

Oo, maganda si Mayo. Pero hindi si Mayo ang tipo niyang babae. Pero bakit iba ang pakiramdam niya kapag kasama ito? Dahil ba ilang beses na nitong niligtas ang buhay niya? Malaki ang utang na loob niya rito?

"Boss."

Napabaling ang tingin ni Yuki sa assistant niyang si Ferdinand nang marinig niya ang boses nito. May bitbit itong itim na kahon.

"Sinurrender na po ni Miss Mayo ang ilang gamit niya," anito saka nilapag nito ang naturang kahapon sa ibabaw ng lamesa.

Napakunot ang noo ni Yuki nang silipin niya ang laman ng kahon. Nakaramdam siya ng kirot nang makita niya ang wrist watch nito at cellphone.

"Talagang seryoso siya sa sinabi niyang aalis siya?" inis niyang tanong sa kanyang assistant.

"Pansamantala lang muna daw siya sa kanila hangga't hindi pa siya pwedeng tumanggap ng mission," tugon nito.

Napakuyom ang kamao ni Yuki. Ewan niya pero hindi talaga niya gustong umalis si Mayo sa pamamahay niya. Napasilip siya sa bintana ng kanyang opisina, at nakita niyang pasakay na si Mayo sa sasakyan nito kasama si Sydney.

Bakit nasasaktan siya ngayon?

Napakuyom ang kamao niya. Saka na siya nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina. Halos patakbo na rin niyang tinahak ang daan patungo sa kanilang garahe. Pero bago pa niya makarating roon, umandar na sasakyan ni Mayo.

"Mayo!" tawag niya rito.

Halos nangangatog ang mga kamay niya habang kinokontak niya ang bantay sa main gate para pigilan ang paglabas ng sasakyan. Pero mukhang natunugan iyon ni Mayo kaya pinaharurot nito ang sasakyan papalayo.

Huli na ng makontak niya ang mga bantay sa main gate.

Napamura siya sa wala sa oras.

CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon