Chapter 39

55 1 0
                                    

🍊 Chapter Thirty-Nine 🍊

LIHIM NAPANGITI SI MAYO NANG makita niya ang mga nagliparang mga palaso sa kalangitan. Hudyat iyon na naroroon na ang Seven Drawfs.

"Boss, napapaligiran na tayo!" ang isang tauhan ni Dominic na humahangos pang pumasok sa museleo.

Pero napakunot ang noo ni Mayo nang mapansin niya ang kulay gintong medalya nitong nakakabit sa kaliwang dibdib nito. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang tanda na mga agent ni Norman Karihalan.

"Nandito rin Norman Karihalan?" gulat na tanong ni Mayo sa lalaki.

"Dalhin siya sa sasakyan!" mariin na utos ni Dominic sa dalawang lalaking humahawak sa magkabilang braso ni Mayo. At hindi nito nakuhang sagutin ang tanong ng babae.

Sinubukan ni Mayo ang pumalag. At minsan pa niyang tinawag ang pangalan ni Yuki. Umaasa siyang maririnig siya nito kahit nakikita niyang nagkakagulo sa labas.

"Bilisan n'yo!" utos ni Dominic.

At dahil sadyang malakas ang mga lalaking humahawak sa kanya ay nagawa pa rin siya nitong mailabas sa museleo. Halos kaladkarin na siya patungo sa likod kung saan naroroon ang nakaparada nitong sasakyan.

"Isakay n'yo siya! Madali kayo!" utos pa ni Dominic sa dalawang tauhan nito.

Sinubukan pa rin pumalag-palag ni Mayo. At sa muli ay tinawag niya ulit ang pangalan ni Yuki. Lihim na rin siyang nagdadarasal na hanapin siya nito, at iligtas.

Para naman nadinig ng kalangitan ang dasal niya iyon. Dahil aktong sasakay sana siya sa sasakyan nang biglang bumagsak sa lupa ang isang lalaking may hawak sa kanang braso niya. Kaagad niyang nakita ang kulay brown na palasong tumarak sa ulo nito. Ibig sabihin, ang palasong iyon ay nanggaling sa grupo ni Yuki.

Napatingin si Mayo sa museleo kung saan nakita niya si Syndey na nakatayo roon.

Sa muling pagkakataon ay muling nagpawala ng pana ang babae, at tinamaan ang isang tauhan ni Dominic.

Nagulantang ang mga ito. At nakita ni Mayo ang takot sa mukha ni Dominic.

Maituturing naman na isa iyong pagakakataon kay Mayo. Kaya naman buong lakas niyang tinulak ang lalaking humahawak sa kabila niyang braso. Mabilis din niyang binunot ang baril nito, at hindi na siya nagdalawang-isip na iputok ito.

Humandusay sa lupa ang lalaki habang basag ang ulo nito, at duguan.

Aktong itututok na niya ang baril kay Dominic nang bigla nitong sinipa ang kamay niya. At dahil sa gulat, nabitawan niya ang baril.

"Miss Mayo!" dinig niyang tawag sa kanya ni Sydney at umakto itong tatakbo papalapit sa kanya.

Hindi na nagawa pang makakilos ni Mayo dahil sa pagkabigla. Nagulat na lang siya nang biglang hawakan ni Dominic ang panga niya. At nagawa nitong isandal siya sa sasakyan.

"Ang buong akala mo ba, ganoon lang ako kadaling matalo?" nanlilisik ang mga mata nitong tinitigan si Mayo.

Napangiwi si Mayo dahil naramdaman niya ang bahagyang pagkirot ng kanyang tiyan. At ilang saglit pa, nagulat na lang siya nang kabigin siya ni Dominic. Hinawakan pa nito ang mga braso niya na papalipit kaya lalo siyang hindi nakakilos. At mabilis siya nitong tinutukan ng baril sa kanyang ulo.

CODENAME: Grumpy Book 3 (Complete) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon