CHAPTER II

27.6K 386 12
                                    

Six years ago, NBI Main Headquarter


"Derek kailangan ka na naming itago siguradong pinaghahanap ka na ng mga bata ng sindikato ng droga." Inform sa kanya ni NBI agent Marcus Romero.


"Pero Agent Marcus p-paano ang papa ko. Hindi ko ba man lang siyang puwedeng kausapin?"


"I'm sorry pero masyado nang mainit ang sitwasyon. Ako na lang ang Kakausap sa kanya but in the mean time we need to move you to a safer location. Mahirap na."


Gusto niyang ipalo ang ulo niya sa pader dahil siya rin naman mismo ang naglagay sa sarili niya sa malaking alanganin. Isa siyang anak mayaman na napariwara dahil sa droga. Wala na siyang pera dahil hindi na siya binibigyan ng papa niya. Pati ang kotse niya ay naibenta na niya. Nang sinabihan siya ng kaibigang si Jason na kapwa niya adik na may pupuntahan silang lugar kung saan makakascore sila ng droga ng libre ay sumama siya agad.


Nang gabing yon ay magkakaroon daw ng palitan. Akala nila ay simpleng pusher lang ang makikita nila. Balak nila ay salisihan lang ang mga ito at nakawin ang droga o ang pera. Desperado na talaga siya ng mga oras na yon. Huli na ng malaman nilang malaking transaksyon pala iyon. Parang pelikulang aksyon ang nakita niya, naroon ang mga goons at ang drug lord halatang hindi magngingiming pumatay kung kinakailangan. Halos hindi na siya humihinga mula sa pinagtataguan ng makita niya ang palitan ng droga at pera. Nawala na ang balak niyang sumalisi baliw lang ang magtatangkang kumalaban sa mga drug lords. Pero baliw na nga yata ang kaibigan niya dahil nagtangka pa rin itong pumuslit para makakuha ng droga. Gusto niyang sumigaw at pigilan ito nang lumabas ito sa pinagtataguan at lumapit sa kinaroroonan ng droga pero wala nang magagawa takot pa rin pala siyang mamatay.


At gaya ng inaasahan nakita agad at hinuli ang kaibigan niya. Kinuha ito at hinarap sa leader ng sindikato.


"Bata mali ka ng tinalo" kasunod noon ay sigaw ng kaibigan niyang nagmamakaawa. Sinundan pa iyon ng putok ng baril. Nakita niya ang lahat pero wala siyang magawa. He was literally frozen dahil sa sobrang takot.


Medyo bumalik lang ang presence of mind niya ng marinig niyang nagsalita uli ang leader ng sindikato. "Baka may kasama pa yan. Hanapin niyo." Kahit gusto niyang tumakas agad-agad hindi siya tumakbo dahil alam niyang kapag ginawa niya yon ay gagawa siya ng ingay at makikita siya agad.


Kahit halos nanginginig siya sa takot ay gumapang siya palabas ng pinagtataguan ng walang ingay. Kailangan niyang makalabas ng tahimik kung gusto pa niyang mabuhay. Kutsilyo lang ang dala niyang armas at sigurado siyang walang magagawa yon kapag nakita na siya ng mga kalaban. Halos malapit na siya sa labasan ng bigla ay nakarinig siya ng putok ng baril, napatingin siya mula sa itaas kung saan galing ang putok. Nakita na pala siya ng isang goons hindi lang siya tinamaan dahil masyado malayo yung bumaril sa kanya.


"Shit." Doon na siya tumakbo.


"Malapit na siya sa labasan. Habulin n'yo" sigaw ng bumaril sa kanya. Hindi na niya alam kung saan siya lulusot. Inaabangan na lang niya ang pagtama ng bala sa katawan niya pero ilang segundo pa ay narinig niya ang sirena ng pulis.


At ang mga hahabol dapat sa kanya ay biglang nagsialisan. Nagmamadaling nagsitakasan. At naiwan siyang ni hindi magawang ihakbang ang paa para makakilos.

Dangerously in LoveWhere stories live. Discover now