CHAPTER V

23.2K 292 3
                                    

Napaigtad si Trixie nang magising siya na parang galing sa isang masamang panaginip. Nang mahimasmasan ay nakiramdam siya sa kanyang paligid. Malambot ang kamang hinihigan niya. May kalakihan din ang silid kung nasaan siya pero sigurado siyang wala na siya sa lugar na pinagdalhan sa kanya ni Toby kanina. Pinakiramdaman niya ang sarili. Masakit ang ulo niya pero bukod doon ay maayos naman ang pakiramdam niya. Hindi siya napagsamantalahan ng walanghiya. Hindi niya lang guni-guni ang taong sumagip sa kanya kanina.

Tiningnan niya ang sarili sa salamin na nasa kanang bahagi ng kama at doon lang niya napansing ibang damit na ang suot niya. Nakapantulog siya na doble ang laki sa kanya dahil panlalaki yon. Wala rin siyang suot na bra. Sinilip pa niya ang sarili para siguraduhin yon.

"Gising ka na pala." Si Derek ang pumasok sa kuwarto may dala itong kape.

Tiningnan niya ito. Kahit malabo ang mga pangyayari sigurado siyang ito ang sumagip sa kanya kanina. Kung siya ay napalitan na ang damit at nakatulog na. Ito ay nakasuot pa rin ng long sleeve at slacks. Mukhang hindi pa nga ito natutulog. Binantayan lang ba siya nito sa buong magdamag?

"Anong ginagawa ko dito? Nasaan ako?" Tanong na lamang niya.

"You're in my place."

"Anong nangyari? Bakit nandito ako?"

"I brought you here. You want some coffee? Balewalang sagot at tanong nito.

And then it occured to her. "P-pinalitan mo ang damit ko?"

"Nasukahan mo ang sarili mo kaya kinailangang palitan ang damit mo." Paliwanag nito.

"I-ikaw ang nagpalit ng damit ko?" Namumula niyang tanong dito. Hindi ito nagsalita. Inubos lang nito ang kapeng hawak.

"Hoy tinatanong kita." Pasigaw na niyang tawag dito.

"Hindi ako ang nagbihis sayo.Tinawagan ko si Aling Elena yung cleaning lady ko at siya ang nagpalit ng damit mo."

Tumayo si Trixie halos abot na sa tuhod na niya ang pantulog. "Nasaan ang mga damit ko?" demand niya dito.

"Nandyan sa cabinet. Napalabhan ko na yan." Sagot nito habang seryosong nakatingin sa kanya. Siya naman ay naconscious dahil sa suot niya kaya she instinctively back-off at inipit ang mga kamay sa dibdib. Pagkatapos ay tinungo niya ang cabinet at hinanap doon ang mga damit aware at the eyes na nakatingin sa kanya mula sa likuran. Bakit ba siya sobrang nacoconscious dito? Its not like she's naked. Suot naman niya ang malamang ay pantulog nito. At tsaka hindi naman daw siya type nito. So wala siyang dapat ipag-alala.

Nakailang inom na yata ng kape si Derek mula kanina kaya medyo edgy na siya. Pero ang totoo hindi niya alam kung ang uneasiness niya ay dahil sa kape o kay Trixie. Nagsinungaling siya ng sinabi niyang yung cleaning lady niya ang nagbihis dito. Medyo nagpanic ito ng inisip nito ang posibilidad kaya para pakalmahin ito ay nagsinungaling na lang siya. Hindi rin naman ito maniniwala na pinikit niya ang mga mata niya nang tinanggal niya ang bra nito. Nasukahan din nito yon kaya wala siyang choice. Nagdasal na lang siya sa ina ng awa para hindi siya matuksong manilip. At ngayong nakatayo ito sa harapan niya na suot ang kanyang pantulog na hindi naman niya isinusuot parang gusto niya uling magdasal.

Kulang na nga yata siya sa karinyo ng babae dahil kahit para itong bata habang natutulog kanina he couldn't take his eyes off her. She looks so serene sleeping on his bed. Malayo ito sa rebellious teenager na lagi naghahamon ang tingin na parang sinasabing you cannot restrain me. And indeed she can't be restrain.

May isa pa siyang kasinungalingang sinabi dito. He lied when he said that she's not his type. Totoong mas prefer niya ang mga babaeng mahahaba ang buhok pero bumagay dito ang bobcat nitong haircut dahil sa medyo maliit na korte ng mukha nito. Kitang-kita din niya ang biloy nito sa kanang pisngi. Sabagay noon pa mang unang makita niya ito sa litrato nagustuhan na niya ito. Lalo na ang mga mata nito na laging gustong makipaghamunan ng tingin sa kanya o ginagawa nitong pagkagat ng labi tuwing kinakabahan.

Dangerously in LoveWhere stories live. Discover now