CHAPTER III

24.2K 348 19
                                    

"Saan ka ba nanggaling akala ko ba magkikita tayo uli sa school noong hapon?" Tanong ni melody kay Trixie nang magkita uli sila sa school kinabukasan.


"May nakita akong baliw na lalaki. Kailangan kung tumakas natakot na akong bumalik dito kasi baka inaabangan ako." Kuwento niya dito.


"Manliligaw mo na binasted?"


"No he's some biker guy. Ingleserong biker guy." Naalala niyang may pagka American ang accent nito kahapon.


"Binalak ka bang raypin?"


"Hindi gusto nyang pabayaran sa akin yung motor nyang nasira dahil sa kagagawan ko."


"Eh kasalanan mo naman pala tapos sasabihan mo siyang baliw."


"Wala akong pera pambayad. Ubos na nga ang allowance ko. Kaya tinakasan ko. Huwag na nga natin siyang pag-usapan naiinis lang ako. Dahil sa kanya nasira ang araw ko."


"Oo nga pala absent si prof kahapon at ang balita ko may substitute." Pagbabalita nito.


"Talaga lang ha. I bet another old boring professor." Sabay ang kunwaring paghihikab.


"Diyan ka nagkakamali. I heard bata pa, galing states at higit sa lahat guwapo."


"So bakit siya nagtuturo dito?" para sa kanya professors are plain looking and boring.


"I heard kamag-anak siya ng may-ari ng university pero im not sure."


"Well whatever aabsent na lang uli ako."


"Ano ka ba ayaw mo bang makilala yung professor."


"I don't care basta ako aalis."


"Pero nandito na tayo sa klase." Apila nito.


"Ano naman eh di lalabas na lang ako tutal hindi naman niya ako kilala. Kahit makasalubong ko pa siya di niya ako masisita."


"Bahala ka basta ako hihintayin ko siya."


"Goodluck." At lumabas na nga siya ng klase. Tatambay na lang siya sa canteen o matutulog sa library.


Naglalakad na siya sa hallway nang biglang may nakita siyang pamilyar na lalaki. Madali niya itong nakita dahil mas matangkad ito sa karaniwan. Biglang nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil yun yung lalaking pinalo niya ng bag sa ulo kahapon. Makakasalubong niya ito. Hindi ito nakatingin sa direksyon niya dahil parang may hinahanap ito.


"Oh my God." Napaatras siya at nagmamadaling bumalik sa klase. Hinahanap ba siya nito? Pero hindi naman nito alam na estudyante siya.


"Bakit bumalik ka?" Takang tanong ni melody sa kanya.


Dangerously in LoveWhere stories live. Discover now