Chapter X

20.5K 257 3
                                    

Anong ginagawa mo dito?" halata ang galit at pagkagulat sa boses ni Trixie nang buksan niya ang pinto at si Derek ang bumungad sa kanya.

"Patricia." Yon lang ang nasabi nito.

'Sobra ang kapal din naman ng mukha mong pumunta sa bahay namin. Ano ito maniningil ka ng utang? O baka naman gusto mo ring bilugin ang ulo ng Mom ko?'

"Trixie sino ba yang kausap mo diyan." Tanong ni Aling dolor. Natigilan din ito ng makita si Derek. "Ikaw pala" nasabi na lang nito.

"Aalis na po siya, mom." At akmang sasarhan na niya ang pinto ng pigilan siya nito.

"Please lang sana pakinggan niyo muna ako. Kahit ngayon lang."

"Puwede itigil mo na ito. Umalis ka na lang." pagsasarhan sana uli niya ito nang magsalita ang nanay niya.

"Patuluyin mo siya." Utos nito

"What? Mom ayoko nang makinig sa ano pa mang sasabihin niya." halata na ang frustration sa boses niya.

"Alam ko pero ako gusto kung malaman ang sasabihin nya."

"Bahala kayo basta ako ayoko na." Tuluyan na niyang binuksan ang pinto pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay.

"Tuloy ka hijo."

"Salamat po."

"Ano ba ang kailangan mo samin?"

Ilang sandali muna ang pinadaan ni Derek bago nagsalita "Gusto ko pong humingi ng tawad ng harapan sa inyo. I should have done this years ago pero wala akong lakas ng loob. Hindi ko alam kung paano ko kayo haharapin. Dahil sa akin nawalan kayo ng asawa at si patricia nawalan ng pinakamamahal niyang ama. Not a day passed by sa anim na taon na yon na hindi ako nagsisisi. Patawarin nyo po ako."

Dahan dahan siyang lumuhod sa harapan nito hindi rin niya napagilan ang sariling umiyak.

"Huwag kang lumuhod sa harapan ko. Nilapitan siya nito para itayo. "Matagal na kitang napatawad hijo. Noong una oo galit na galit ako. Pero sa pagdaan ng mga taon natutunan ko nang tanggapin na parte ng trabaho niya ang panganib. Si marcus ang tipo ng tao na gagawin ang lahat para matupad niya ang tungkulin niya at kung mauulit ang mga nangyari pipiliin pa rin niyang sagipin ka."

"Hindi ako karapat-dapat na sagipin."

"Lahat nagkakamali at nakikita ko naman ngayon sayo na tanggap mo ang mga sala mo. Kung ano man ang mga maling desisyon na nagawa mo noon hindi yon nakakabawas sa halaga ng buhay mo Patawarin mo na ang sarili mo at nang tuluyan ka nang makalaya." Her voice soothing para tuloy naaalala niya ang sariling ina.

"Maraming salamat po."parang isang malaking bloke ang inalis sa dibdib iya ng mga oras na yon.

"Ako napatawad na kita pero ibang usapan si Trixie. May atraso ka sa kanya at hindi ko madidiktahan ang anak kung yon para patawarin ka." Paalala nito.

"Gagawin ko po ang lahat para mapatawad ako ni patricia."

"Pinapaalalahanan na kita matigas ang anak kung yon."

"Alam ko po yon pero wala po akong balak sumuko." Paniniguro niya dito.

Biglang lumitaw si Trixie mula sa pinagtataguan kanina pa pala ito nakikinig.

"Puwes Mr. Subtitute professor maghihintay ka sa wala dahil kahit lumuha ka pa ng dugo diyan hindi kita patatawarin." Pagkatapos noon ay nagmamadali itong pumasok sa sariling silid.



Tahimik lang na nakikiramdam si Trixie sa kanyang silid wala siyang ideya kung ano na ang nangyayari sa labas. Ang totoo ay naantig ang damdamin niya ng humingi ng tawad si Derek sa kanyang ina.

Dangerously in LoveWhere stories live. Discover now