CHAPTER VII

21.1K 291 3
                                    

"So magkuwento ka naman Derek tungkol dito kay Patricia." pilit sa kanya ni sarah.

"At anu naman ang kukuwento kung hindi mo pa narinig mula kay Jon."

"This patricia girl masyado kang obsessed sa pagtulong sa kanya. Medyo nag-aalala na si Jon sayo."

"I guess Jon failed to tell you that her father saved my life."

"So you're playing knight in shining armor? Hanggang kailan naman ito?"

"Hanggang kailangan niya ako."

"So youre dedicating your life to her, how noble." Sarkastiko nitong komento.

"So sasabihan mo rin ako to leave her alone?"

"Obviously you can't. Dahil kung kaya mo nakalimot ka na sana nung pumunta ka ng Amerika. Pero sana naman you know your limits."

"Parehas na kayong mag-isip ni jon. Ganyan ba talaga kapag limang taon nang magkasintahan? Sagot niya dito sabay inom ng whiskey.

"Hindi kami parehas mag-isip mas malisyosa ako. I think you're attracted to her."

"What make you say that?"

"Dahil hinalikan mo ako sa pisngi sa harapan niya."

"I missed you that's why i kissed you."

"Yeah right kaya pala you didnt mention na magkaibigan lang tayo at talagang sinakyan mo ang pagpapacute ko sayo. Talagang hinabaan mo pa yung pagkakayakap mo sa akin. Pinapagselos mo siya at mukhang effective naman."

"Malisyosa ka nga." Sagot niya dito.

"Kilala lang talaga kita, minsan more than you know yourself." Tiningnan lang niya ito. Kilala nga siya nito dahil magbestfriend sila mula pagkabata silang tatlo ni Jon ang laging magkakasama. Sa Australia ito nagkolehiyo kasama si Jon. Yon ang panahon kung kailan siya nakahanap ng ibang mga kaibigan na dahilan din ng pagkaligaw ng landas niya.

"Nandito na pala kayo." Bati sa kanila ni Jon na kararating pa lang.

"I guess ito na ang cue ko para umalis." tumayo na siya para ibigay ang puwesto niya sa pinsan.

"Uuwi ka na agad?" tanong ni Jon.

"Ayokong istorbohin ang date niyong dalawa."

"Hayaan mo na siya Jon sweetheart im sure mayroon lang yang balak suyuing nagtatampong teenager. You Cradle snatcher." Biro pa nito

"For your information malapit na siyang magtwenty at mali ang iniisip mo."

"Tell that to the marine Derek."

"Enjoy." paalam niya sa mga ito.

Alas otso pa lang ng gabi nakauwi na si Derek. Masyado na kasi siyang sinapsycho-analyze ni Sarah kaya nang dumating si Jon ay iniwan na niya ang dalawa.

Pagkapasok pa lang sa bahay ay dumiretso na agad siya sa kusina. Uminom ng tubig at tiningnan kung may niluto si Trixie nadisappoint siya ng wala siyang nakita. Nakalimutan niyang sinabihan niya itong huwag nang magluto. Sa totoo lang masaya siya sa ginagawa ni Trixie. Malinis ito sa bahay at magaling din itong magluto. Hindi naman niya sinabihan na kasama sa pagluluto ang trabaho nito pero ginawa pa rin iyon ng dalaga. Naalala niya tuloy ang sinabi dati ni Agent Marcus na maaalahanin ang anak nito at maalaga.

Nang makapagpahinga ng konti ay unti-unti niyang hinubad ang damit na suot. Kahit hindi pa siya nakakapasok sa kuwarto ay ginagawa na niya yon, one of his unusual habits. Naka boxer short na lang siya habang dala ang pantalon at polo na hinubad nang pumasok siya sa kuwarto.

Dangerously in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon