Chapter Sixteen

373 13 5
                                    

Akala niya nag-aaway ang Mama at Papa niya, dahil iyon naman palagi ang nangyayari. Pero dumating siyang tahimik ang buong loob ng kanilang bahay.

Nagtanong na siya kanina kay Mang Amir, ang kanilang driver, kung may ideya ito sa nangyari sa bahay nila, pero wala itong alam, dahil ng umalis ito ay hindi pa naman daw dumadating ang kanyang Papa.

Pumasok siya sa loob, pero nasa entrada pa lamang siya ng pinto ng salubungin siya ng kanyang Mama.

"Bumalik na ang Papa mo." Sabi nito. Her eyes are twinkling. Nasa labi rin ang ngiti.

Sarkastiko siyang nagpalatak. "Dahil lang doon kaya pinauwi ninyo ako?"

"Watch your words Andreanna. Humingi na ng tawad ang Papa mo, and he said that he will stay with us for good."

"Then good for you." She said grimly. "Sana lang totoo na this time." Dugtong niya saka nilagpasan ito.

Sawa na siya sa salitang iyon. Palagi na niya iyon naririnig. Sawang-sawa na rin siya sa pagiging tanga ng kanyang Mama. Hindi na ito nadala. One sweet words from her father, and she came running towards him at ito pa ang halos maglumuhod.

"Andreanna..."

Nakasunod ito sa kanya pagpasok. But she halted her step when she reach the sala. Naroroon ang kanyang Papa.

Umangat ang tingin nito ng maramdaman ang presensiya niya.

"Drey, anak.."

Lumapit ito at niyakap siya. "I'm sorry about not going home for this past days. Nagkaproblema lang kami ng Mama mo, but we already talked, and we settled everything. Aayusin na namin ng Mama mo ang aming pagsasama."

She look at him expressionless.

"Is it for real? O isa na naman itong pagpa-paasa gaya ng mga nauna?"

"Andreanna.." Saway ng Mama niya.

"I'm sorry Papa," Sabi niya rito. "Pero hindi ninyo ako masisisi kung bakit ang hirap ng paniwalaan ang mga sinasabi ninyo. I already lost count of how many times you did it since I was a child. At ngayon--"

"Alam ko, marami akong pagkukulang sa inyo ng Mama mo, at marami rin akong nagawang kasalanan. Please forgive me for everything. I want to start anew with you, your mother, and Daisy.. sana bigyan ninyo ako ng pagkakataon."

Kung mayroon man isang bagay na higit na nasinc-in sa kanyang utak ay yun ay ang pagbanggit nito sa pangalang Daisy.

Saka niya pa lang natanto na hindi lamang silang tatlo ang nasa sala ng mga sandaling iyon. Dahil ng lumagpas ang tingin niya sa sofa, nakita niya ang isang batang babae na nakaupo sa gilid.

Isang payat na batang babae.

"Siya si Daisy, Drey.." Ang kanyang Mama na agad pumunta sa gilid ng bata. "Kapatid mo siya."

Gulat siyang napa-angat ng tingin.

A-Ano daw?

Napabaling siya sa ama.

"T-Tama ang iyong Mama, Drey. Kapatid mo si Daisy. At dito na siya titira kasama natin magmula ngayon."

Hindi makapaniwalang idinako niya ang tingin sa kanyang Mama at sa bata, pagkunwa'y ibinalik sa kanyang Papa.

"So.. this is the reason why you came back. Para ipamukha sa amin ni Mama ang bunga ng panloloko na ginawa ninyo sa amin."

"Drey.."

"You already hurt us enough, Papa. Hindi pa ba iyon sapat? Bakit kailangan ninyo pang dalhin dito sa bahay ang anak ninyo sa la-"

"Andreanna!" Ang kanyang Mama.

Sweet Flames Of VengeanceWhere stories live. Discover now