Chapter Thirty Two

269 10 0
                                    

"Ate, ayos ka lang ba?"

Mula sa iniinom na kape ay napa-angat ang kanyang tingin kay Daisy.

Hindi lang ito ang alalang nakatingin sa kanya kundi maging si Yaya Rosing.

"Namamaga kasi ang mga mata mo. Umiyak ka ba kagabi?"

She hold unto the mug tightly before she gently plaster a smile. Umiling din siya pagkatapos.

"Hindi. Bakit naman ako iiyak? Dahil lang marahil ito sa puyat."

Nakagat nito ang labi saka malungkot na yumuko.

"I'm sorry te. Alam ko, dahil sa akin kaya ka--"

"Daisy..." Agad niyang putol saka tumayo.

Lumapit siya rito, pagkunwa'y hinawakan ang magkabilang braso nito. "Bakit ka nagso-sorry? Wala kang kasalanan--"

"Pero dahil sa akin kaya ka nagtatrabaho doon sa club. Gusto mo akong maoperahan kaya napilitan kang pumasok doon. At ngayon, pati ikaw nagkakasakit na."

Marahan niya itong hinila at niyakap.

"Ayos lang ako. Huwag mo na akong alalahanin, huh? Ang isipin mo lang lagi, mahal na mahal kita kaya ginagawa ko ang lahat ng ito. Gusto kong gumaling ka, Daisy."

"Pero nahihirapan ka na at--"

"Shh.. sabi ng okay lang ako. Mahihirapan lang naman ako kapag nakikita kitang ganyan. Kung ayaw mo talagang makitang nahihirapan ako, huwag kang maging malungkot lalong-lalo na ang sisihin ang iyong sarili. Naiintindihan mo ba?"

Daisy bit her lip, pagkunwa'y suminghot ito. "Ate.."

Marahan niyang hinimas-himas ang likod nito. "Gagawin ko ang lahat gumaling ka lang. At gagaling ka Daisy. Gagaling ka." Anas niya.

She darted her eyes at Yaya Rosing, nakamashid din ito sa kanila sa malamlam na mga mata.

--ZETHRIUS--

He wake up with splitting head ache. Mariin siyang muling pumikit pagkunwa'y hinimas-himas ang kanyang sentido.

Nang medyo mahimasmasan na ay muli niyang iminulat ang mga mata. Pahinamad niyang kinuha ang kanyang cellphone sa side table at tiningnan ang oras. Limang minuto bago mag alas nueve ng umaga.

Malalim siyang bumuntong-hininga bago tumayo. He then walk towards the shower room with his hand still massaging his forehead.

He undressed himself and went under the shower. Sana lang makuha ng agos ng malamig na tubig ang sakit ng kanyang ulo pati na rin ang gumugulo sa kanyang isipan.

He closed his eyes and let the cold water freely pour on his face. Ngunit tila pinaglalaruan talaga siya ng tadhana dahil sa pagpikit niya ay iisang mukha pa rin ang lumitaw sa kanyang balintataw.

Ang mukhang akala niya hindi na niya masisilayan kahit na kailan. Ang mukhang siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay pira-piraso ang kanyang puso.

He was so dumbfounded after finding her at that club. Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang naramdaman niya. Lalo na ng malaman niyang nagtatrabaho ito doon bilang waitress.

Is she real?

It was why popped in his mind the moment he saw her.

Akala niya noong una, isa lamang iyon halusinasyon, but she was real, she was there flesh and blood. Smiling from ear to ear as she serve Andro his wine.

After seeing her that night, he merely fall asleep. Buong umaga nitong ginulo ang kanyang isip. Question and curiosity were all in his mind.

What happened? Bakit ito nagtatrabaho bilang waitress sa club na iyon?

That was his thoughts when he asked Andro about her so early in the morning.

Kung nagtaka ito, hindi na niya alam. All he said when he asked why he is asking about her, is that they knew each other, because they were schoolmate back in old days.

Thankfully he's in Tagaytay for an urgent matters kaya nagawa niyang pumunta ng club kagabi at masolo si Drey.

And finally, he had his chance.

Honestly, hindi siya nagpunta doon dahil gusto niyang maglasing. He went there for something else. He went there to show what kind of man he has become. Ipakita rito na ang lalakeng pinaglaruan nito noon ay matagumpay na ngayon. He wanted so much to make her realize how fool she was to play with his feelings.

Hindi niya iyon nagawa noong una silang magkita dahil bukod sa nagulantang siya, abala ito sa pagsisilbi kay Andro, and she merely look at him. Kaya bumalik siya sa club kagabi.

Gusto niyang ipakita at ipagmalaki ang lahat ng nakamit niya upang pagsisihan nito ang ginawa. But when he looked at her eyes, her cold lonely eyes, lahat ng mga naisip niyang ipamukha rito ay tila pinalis ng hangin. His heart started to wavered again. His mind suddenly got clouded like those old days. Like eight years ago.

He gritted his teeth hardly and look himself at the mirror. He's in a mess.

Wearing a robe, he went out of the shower. Pinatutuyo niya pa ang kanyang buhok gamit ang puting tuwalya ng madatnan niyang tumutunog ang kanyang cellphone.

Kinuha niya iyon at pahinamad na sinagot.

"Good morning, Zeth. Papunta ako ngayon diyan sa villa mo. I want to discuss something with you regarding your office. Magsisimula ka na bukas di ba? At hindi mo pa nakikita ang fully furnished mong opisina. If you want, we can visit it after we--"

"Hindi na kailangan, Marge. Anything is fine with me." He cut her off. "And I'm sorry, I can't entertain you today. Actually, wala ako sa villa ngayon." Pagsisinungaling niya. "May inasikaso akong importanteng bagay."

"Is it about.. work?" Tila nagdududa nitong tanong.

"Sort of. I want everything settled bago ako magsimula sa pagtatrabaho sa Papa mo."

"Okay. But you didn't forget about the dinner at home tonight, right?"

"I didn't. Pupunta ako, dahil may pag-uusapan rin kami ng Papa mo."

"I-I'll wait for you at home then."

"Hmm.." Maikli niyang sagot bago pinutol ang tawag.

Isang malalim na buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan matapos na iitsa ang cellphone sa kama. Nagbihis siya agad. Although, sinabi na niya kay Marga na wala siya sa Villa, and he did convinced her, hindi pa rin lubos ang tiwala niya na hindi siya nito pupuntahan.

Knowing her.. she can be clingy at times.

Minaneho niya ang kanyang sports car sa kahabaan ng highway. Iisang direksyon ang kanyang patutunguhan.

Totoo ang sinabi niyang may
gagawin siya, but honestly, it's not about his previous work. And maybe not that important too. Ni hindi nga niya alam kung bakit niya ginagawa iyon.

Dahan-dahan niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan habang ang mga mata ay nasa harapan. At the coffee shop door to be exact.

Doon ay nakita niya si Drey, kausap nito ang isang payat na teenager. Nakangiti ito habang kausap ang bata. She even wave her goodbye to her when she walk and turned. At ganoon din ang ginawa ng teenager dito.

Ipi-nark niya ng maayos ang kanyang sasakyan sa parking lot at bumaba.

Kitang-kita niya kung paano nagtiim ang mga labi ni Drey ng makita siya nitong pumasok sa pinto ng coffee shop.

She immediately turned around after. Alam niya ang balak nito. Ang layuan siya at iwasan gaya ng ginawa nito kahapon. But he won't let her do that.

Kaya bago pa ito tuluyang tumalikod ay tinawid na niya sa malalaking mga hakbang ang kanilang distansiya at pinigilan ito sa braso.

"We need to talk."

Sweet Flames Of VengeanceWhere stories live. Discover now