Chapter Thirty Six

301 14 2
                                    

Dahan-dahan niyang inihakbang ang mga paa papunta sa kamang kinahihigaan ni Daisy. She was laying unconsciously in the bed with those tubes on her body.

Katatapos lang ng operasyon at nailipat na ito sa isang kwarto sa intensive care unit.

Intensive care unit because shes still under observation.

The operation was successful. Pero hindi pa rin garantiya niyon na ligtas na ito sa kapahamakan. Ang sabi ng Doctor mas kailangan bantayan ang kalagayan nito ngayon dahil mas naging prone ito sa virus at infections.

Katunayan nga, balot na balot siya ng pumasok doon.

She went closer to the bed. Umupo sa tabi nito at marahan na hinawakan ang kamay nito.

"Daisy, si ate ito," Anas niya. "Naririnig mo ako di ba? Please fight.. naghihintay kami ni Yaya Rosing sa paggising mo. Everything is going to be alright now. Kapag gumising ka na.. and if you're already healed from this operation, magagawa mo na ang mga dating hindi mo magawa. Makakapaglaro ka na at makakapag-aral ng walang iniisip na magiging problema sa kalagayan mo. Gustong-gusto mong tumulong at magtrabaho doon sa coffee shop di ba? You can do it now.. kaya pakiusap,   lumaban ka at magpagaling.. hmm?"

She whisper and hold her hand much closer and tighter. Minasdan niya ito, wala man bakas na narinig siya nito, alam niya nararamdaman nito ang presensiya niya, nararamdaman nito ang isinisigaw ng kanyang puso. Ang sigaw kung gaano niya ito ka-gustong lumaban at mabuhay.

--ZETHRIUS--

"Kumusta na si Daisy?"

Napa-diretso ang kanyang tayo ng makita ang hangos na pagdating ni Aling Rosing. Bakas sa mukha nito ang matinding alala.

She look at him with anxious in his eyes as she roam her eyes around.

"Si Drey? Nasaan siya?"

"Nasa loob po ng kwarto ni Daisy. Tagumpay po ang operasyon, ngunit kailangan pa po siyang obserbahan at mas dapat na mag-ingat dahil vulnerable pa ang kanyang kalagayan ayon sa Doctor."

"Pero ligtas na siya hindi ba?" She asked with a hope in her voice.

Hindi siya agad nakasagot. He can't just say yes. Although the operation was successful, hindi pa kinumpirma ng Doctor na ligtas na talaga ito.

"Umaasa po akong ganoon nga, Aling Rosing."

Bumagsak ang ayos ng mukha nito. Nakuha marahil ang nais niyang tukuyin. She close her eyes tight.

"Diyos ko.. tulungan mo kami, pagalingin mo na si Daisy." Taimtim nitong dasal.

"Matapang si Daisy, Aling Rosing. Malalagpasan niya ito." Hinawakan niya ang braso nito at inalalayan. "Upo po muna kayo. Dito na natin hintayin si Drey."

Dahan-dahan naman itong sumunod sa kanya at nanghihinang umupo sa naroroong bench.

"Hindi lang naman si Daisy ang inaalala ko, higit si Drey. Si Daisy nalang ang tanging nagpapalakas ng loob niya. Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama rito. Bakit ba kasi wala ng katapusan ang problema ng batang iyon? Hindi na siya nilubayan mula ng mamatay ang mga magulang niya. Pinasan niya lahat. Diyos ko, pakiusap... hayaan mo naman siyang maging masaya. Awang-awa na ako sa kanya." Naluluha nitong sambit.

He stay there silently while she is mumbling. Ini-angat niya ang mga mata sa pasilyo kung saan naroroon ang kwarto ni Daisy. Kung saan naroroon si Drey ng mga sandaling iyon.

"Maaari ba akong magtanong Aling Rosing?" Bumaling ulit siya sa matanda. "Matagal na po ba itong sakit ni Daisy sa puso?"

Marahan itong tumango-tango. "Mula pa yata pagkasilang niya. Namana sa tunay niyang ina. Ang alam namin namatay rin iyon sa kaparehong sakit."

Sweet Flames Of VengeanceWhere stories live. Discover now