Chapter Thirty Three

256 11 0
                                    

Matalim niya itong tiningnan pagkunwa'y sa kamay nitong nasa braso niya. Nang i-angat niya ang mga mata ay kitang-kita niya ang pagkiling ng ulo ni Becky at ang pagtataka sa mukha ng manager nila na sa mga sandaling iyon ay siyang tumatao sa counter.

Ibinalik niya ang mga mata kay Zeth at pasimpleng hinila ang kanyang braso.

"What the hell are you doing?" Mahina ngunit matigas niyang tanong.

"Sinabi ko na. Kailangan natin mag-usap."

She gritted her teeth. Hindi niya talaga ito maintindihan. She knew, he hated her so much. Kulang na nga lang ay pilipitin nito ang kanyang leeg sa tuwing maghaharap sila, but why do he need to come and see her like this?

Ano ba talaga ang kailangan nito?

"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang may trabaho ako?"

"Then what time is your break?"

She glared at him in disbelief.

"Wala akong break!" She hissed and walk away.

Diretso siya sa kusina at doon inabala ang kanyang sarili. Kung may customer saka lang siya lumalabas. Iwas na iwas siyang mapadako malapit sa mesa ni Zeth na noo'y ilang oras na nitong inookupa at wala yatang balak na umalis.

"Pang limang order na niya ito ng Kape." Sabi ni Becky sa kanya ng pumunta ito sa kitchen counter na bit-bit ang tray na na may nakapatong na wala ng lamang mug.

Ito ang nagsisilbi sa lalake.

"Ako nang natatakot para sa kanyang kalusugan. Too much coffee is bad for our health." Taas kilay nitong sabi na may halong ngisi.

Umismid siya. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa at hindi ito pinansin. Kanina pa ito sa pangangantiyaw sa kanya.

"Hindi ko talaga lubos akalain na kilala mo pala si pogi. At tingin ko, Hindi lang kayo basta magkakilala. Hindi mo man ikwento, nararamdaman kong may isang bagay na nauugnay sa inyong dalawa na kapwa kayong hindi makabitaw. At tingin ko--" she paused and look at her playfully. "It was... Love.."

Gusto niyang pagtawanan ang sinabi nito. But instead of doing that, umiling-iling nalang siya. Inilagay niya ang mug na umuusok na kape sa tray nito pagkunwa'y walang emosyon na ngumiti.

"It's the opposite, kung alam mo lang." Mahina niyang sabi.

Kumunot ang noo nito, pero bago ito nakapagtanong ay dumugtong na siya. "Dalhin mo na ang order niya sa kanya bago pa lumamig." She added and turn her back para asikasuhin na naman ang sumunod na order.

"Hindi naman gaanong maraming customer, you can talk to him, Drey. Mukhang importante ang sasabihin niya. He's been waiting for you for almost two hours."

"Ma'am Jela.."

Napapitlag siya sa biglang pagsulpot nito sa kanyang likod.

"Lunchtime na rin naman kaya--"

"Hayaan ninyo siya ma'am. Sigurado akong aalis rin iyan maya-maya." Hilaw siyang ngumiti.

"I doubt it. Hindi siya maghihintay ng ganyan katagal kung may plano siyang umalis. Just talk to him." Sabi nito saka tumalikod. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. The next hour for her seems like her feet was already on the edge of the cliff.

Tama nga si ma'am Jela. Mukhang wala ngang balak umalis si Zeth not until he talk to her. And it really made her uncomfortable. Hindi lang sa kanya kundi maging sa mga kasamahan niya.

"You want to talk? Okay, let's talk. Halika!" Matigas niyang sabi saka nagpatiuna ng maglakad palabas ng coffee shop.

Hindi pwede na doon sila mag-usap sa loob dahil alam na niya kung saan humahantong ang bawat pag-uusap nila.

Ramdam niya mula sa likod ang mabilis nitong pagsunod.

Ang plano niya ay doon lang sa labas. May bakanteng lote sa gilid na ginawa nilang maliit na garden at pahingahan. But Zeth seems to have other plans.

"Let's go to somewhere peaceful. Hindi tayo makakapag-usap ng maayos dito." Mariin nitong sabi.

Hinawakan nito ang kanyang braso at hinila siya papunta sa mustang nitong nakaparada sa di kalayuan.

"No, dito lang tayong--"

Naiwan nalang ang protestang iyon sa kanyang lalamunan ng magsalita ito.

"You already agreed to talk. So I'll choose where." Sabi nito pagkunwa'y sapilitan siyang ipinasok sa sasakyan nito.

She tried to open the door again, pero hindi niya magawa. It was auto lock. Kaya wala siyang nagawa kundi tingnan nalang ito ng matalim.

Damn you!

Hindi naman sila masyadong lumayo. Itinigil nito ang sasakyan nito sa gilid ng dalampasigan. It was maybe a ten minutes drive from the coffee shop.

Padaskol siyang bumaba ng buksan nito ang pinto.

"Ano ba talaga ang gusto mo? Why are you doing this? Kinamumuhian mo ako di ba? Then why do you keep on seeing me like this? Hindi ba dapat iniiwasan mong magkita tayo? Because I am doing my best to not cross our paths. Ano? Gusto mong ipamukha sa akin ang narating mo? Gusto mong patuloy akong sumbatan sa kasalanan ko? You already did it. Ano pa ba ang gusto mo? Ano pa ang gusto mong gawin ko, para tigilan mo na ako, para tigilan na natin ito?"

Pinilit niyang huwag manginig ang kanyang boses, pero dahil sa sakit na kanyang nararamdaman ay hindi niya iyon nakayang itago.

"Ginagawa mo ba ang lahat ng ito dahil sa sinabi kong nakalimutan ko na ang lahat? Well, I lied. I just lied Zeth! I never did forget! Not in a single minute. Paano ko iyon magagawa kung kahit sa pagpikit ko ay binabangungot ako ng nakaraang iyon, ng mga kasalanang nagawa ko? Sayo at kay nanay Zeny. Sa tingin mo ganoon ko lang iyon kadaling makakalimutan? And in those years, sa tingin mo naging tahimik ang buhay ko?" Umiling-iling siya. "Hindi Zeth, hindi! All those years I live my life in guilt and misery! Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ako dapat magdusa? Hanggang kailan ko dapat pagbayaran ang kasalanan kong iyon? Will you be happy if you see me bleed to death? Iyon ba ang gusto mo?"

Sunod-sunod na ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya talaga kayang pigilan. The pain is   killing her.

"Or do you want me to kneel and beg? Gagawin ko Zeth, just please... Tigilan mo na ako!"

Umakto siyang luluhod, pero mabilis siya nitong pinigilan.

"What the hell are you doing?" Asik nito. "Gusto kitang makausap hindi dahil sa mga dahilan mong iyan!"

Tiim ang mga bagang sinalubong niya ang mga mata nito.

Wala siyang nakikitang dahilan maliban doon.

She smile bitterly.

"I already lost everything even my pride. And I'm ready to swallowed more if it is the only way to amend for what I have done, for the pain I've caused you. Handa kong tanggapin ang lahat ng gusto mong gawin. Sumbatan mo ako, sisihin.. pero pwede bang pagkatapos niyon ay tigilan mo na ako? Don't make my life more miserable as what it is already now. Nakikiusap ako, Zeth."

Mahina niyang sabi saka ito nilagpasan.

Dali-dali niya pinara ang dumaang tricycle at mabilis na sumakay doon.

Sweet Flames Of VengeanceNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ