Chapter Forty Six

219 12 0
                                    

Mula sa pagkakapikit ay nagmulat siya ng mga mata at tarantang bumaling sa katabi na noo'y mahigpit pa ring nakapulupot ang mga braso sa kanyang katawan.

Her heart is beating loudly against her chest. Sa gulat, sa kaba at sa takot.

"Z-Zeth..." Nanginginig na sambit niya.

Hindi lang boses niya ang nanginginig kundi maging ang kanyang katawan.

When she felt him moving and saw him slowly open his eyes, parang bumalik muli ang kaluluwa niya sa kanyang katawan.

"Hey.. Drey, are you alright?"

Tanong ni Zeth sa kanya sa nag-aalalang boses. Ramdam niya rin ang panginginig ng katawan nito.

Nang tumango siya ay tila nakahinga ito ng maluwag.

"I-I'm fine.." mahinang sabi niya.

"God.. you scared me to death." He said, still with a trembling voice. His eyes was mixed of worries and gentleness.

Umangat ang kanyang tingin, and she swallowed as she realized their position. Malapit na malapit ang mukha nito sa kanya na halos amoy na niya ang hininga nito. His left arm was under her neck, naging proteksyon niya iyon kaya hindi nabagok ang kanyang ulo sa konkretong semento, samantalang ang kanang braso naman nito ay nasa itaas ng kanyang sikmura at mahigpit na nakayakap doon.

"Ma'am, Sir..  ayos lang kayo? Naku, pasensiya na po, hindi ko po sinasadya." Nanginginig rin at halos maiyak na ang lalakeng lumapit sa kanila na mahihinuha niyang siyang driver ng motorsiklo.

They both look at the man and again, back with each other. Pasimple siyang kumawala mula sa mga bisig ni Zeth at dahan-dahan na bumangon. Ganoon din ang ginawa nito, habang inaalalayan siya.

"Ma'am, Sir, hindi ko po talaga sinasadya. Pasensiya na po."

Muling hinging paumanhin ng driver.

They are already causing commotions, may iilan ng taong nakapaligid sa kanila.

And when she roam her eyes around, nakita niyang patakbo ring lumalapit papunta sa kinaroroonan nila ang kanyang dalawang kasamahan sa coffee shop at si ma'am Jela.

Mariin nalang siyang napakagat-labi. Iwas na iwas siyang marinig nito kanina ang argumento nila ni Zeth, pero heto at papunta na ito sa kanila.

"Oh, God Drey.. what happened?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni ma'am Jela na pinalipat-lipat pa ang tingin sa kanila ni Zeth.

"Tumawag kayo ng ambulansiya at pulis, may nabundol rito!"

Agad na sigaw ni Meryl. Kasamahan niya rin sa coffee shop.

Kitang-kita nila kung paano namutla ang driver nang marinig nito iyon.

"Gusto mo bang pumunta tayo ng ospital?" Tanong sa kanya ni Zeth.

Umiling siya. "Hindi na. I'm fine. Meryl okay lang ako." Sabi niya sa kasamahan.

"Sigurado ka ba?" Si ma'am Jela. Hindi pa rin nito maiwasan na dumako ang mga mata kay Zeth.

Tumango siya. "Oo, ma'am Jela."

Zeth look at the driver. "Sa susunod po, magdahan-dahan na kayo sa pagpapatakbo. Hindi naman karerahan itong kalsada."

"Pasensiya na po talaga, sir. Hindi naman po talaga ako ganito katulin kung magpatakbo. Nataranta lang po ako sa tawag ng asawa ko. Nasa ospital daw yung bunso namin."

The man explained. Mukhang totoo naman nag sinasabi nito at hindi lang gumagawa ng alibi para makatakas sa ginawa nito.

"Magpasalamat nalang kayo at hindi nasaktan itong kasama ko, kung nagkataon, hinding-hindi ko ito palalagpasin."

Tumingin sa kanya ang lalake. Mangiyak-ngiyak pa rin.

"Ma'am pasensiya na po talaga."

Tumango siya. "May kasalanan din po ako sa nangyari, kahit sa pedestrian lane akong tumawid, biglaan din yung ginawa ko kaya pasensiya rin po. Magpasalamat nalang tayo na walang nasaktan. Mag-iingat na po tayo sa susunod."

Tumango-tango ito. "Maraming salamat, ma'am, maraming-maraming salamat. Sir..." Baling nito kay Zeth.

Zeth nodded.

"Sige na po, puntahan ninyo na ang bunso ninyo."

Pagkarinig niyon ay mabilis pa sa alas kwatro itong tumalikod at tinungo ang motorsiklo nitong nakaparada sa kabilang gilid ng daan. Pinaandar nito iyon, at sa pagkakataon iyon ay dahan-dahan na nito iyon pinatakbo palayo sa lugar na iyon.

"Pumasok na muna kayo doon sa loob ng coffee shop, para kalmahin ang mga sarili ninyo, you look shocked and pale, Drey." Sabi ni ma'am Jela. "And you too, ahm.." ini-angat nito ang tingin kay Zeth saka ngumiti. "I've been seeing you in our coffee shop lately. Ako nga pala si Jela." Naglahad ito ng palad.

"Zethrius Miranda, ma'am." Sagot ni Zeth na tinanggap naman ang palad nito.

Ikiniling ni ma'am Jela ang ulo nito pagkunwa'y napakunot-noo. "Zethrius Miranda? So you're the famous attorney Zethrius Miranda huh? Ang nagpanalo ng kaso ng mga magsasaka laban sa hacienda Lagdameo and many more other cases. The defender of the poor as they call you."

"Hindi naman ma'am, I just did my job as their lawyer."

"And you did a great Job, you're--" kumunot ang noo nito nang dumako ang mga mata sa braso ni Zeth. "Wait.. you're wounded."

Napakunot-noo siya saka dali-daling idinako ang mga mata sa braso nitong tinitingnan ni ma'am Jela.

And she was right, may sugat nga ito sa braso and not just that, sugatan rin ang kanang palad nito. Nakuha marahil nito iyon ng itinukod nito ang kamay nito kanina para hindi mabagok ang ulo niya.

She swallowed hard. Ilang ulit nitong tinanong kung okay lang siya, pero siya, hindi niya man lang inalalang itanong kung okay lang ito. He was hurt because he protected her and damn her for realizing it this late.

"Ahm, wala ito ma'am. Konting gasgas lang."

Natatarantang nilapitan niya ito saka  hinawakan ang braso at sinipat.

"It's not a simple scratch Zeth, it's bleeding!" Sabi niya.

He chuckled. "Finally, nakakita rin ako ng ibang emosyon sa mga mata mo bukod sa galit at inis."

She look at him sharply.

"Oh, ayan.. galit ka na naman."

Kapwa silang napa-angat ng tingin ng marinig ang mahinang tawa ni ma'am Jela.

"Yan siguro ang halimbawa ng sinasabi nilang tulak ng bibig kabig ng dib-dib. Matagal na ba kayong magkakilala?"

"Hindi ho.."

"Yes, we are.."

Isa na namang matalim na tingin ang ibinigay niya kay Zeth.

Muling tumawa si Ma'am Jela.

"I think you both need to stop your lover's fight for the time being. Pumunta na muna tayo sa coffee shop para malinisan itong mga sugat ni Zeth, since ayaw naman niyang pumunta sa--"

"Hindi na kailangan ma'am, we will--"

"Stop the formality Zeth. Matanda lang naman siguro ako ng isang taon sayo, or maybe we're at the same age, so Jela is fine with me. Halina kayo, pumunta na tayo sa--"

"Thank you Jela," Zeth cut in baritone.  "I appreciate your kindness, but Drey and I need to go. May importante kasi kaming pag-uusapan ngayon eh."

"Ganoon ba? But how about your arm? It's bleeding."

"Malayo 'to sa atay." Zeth chuckled. "Naka-park sa harap ng coffee shop ang sasakyan ko, sabay na tayong pumunta doon. Halika na, Drey."

Sa kabila ng sugat nito sa braso ay hinawakan nito ang kanyang kamay saka nagpatiunang maglakad papunta sa sasakyan nito.

Tinangka niyang hilahin iyon, pero ayaw iyon bitawan ni Zeth.

Hilaw nalang siyang ngumiti nang makitang makahulugan siyang tinitingnan ni ma'am Jela at nina Meryl habang nakasunod sa kanila.

Sweet Flames Of VengeanceWhere stories live. Discover now