Chapter 2: Friends

6 1 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nag-hawak ng kamay, Pero dahil naiilang na 'ko. Bumitaw na 'ko.

"H-hi, Jared." Pagbati ko.

Ngumiti siya sakin. "Oh, No one can called me Jared." Nakangisi niyang sabi. "Anyways, Marunong ka?" Inilahad niya ang gitara niya.

Nakatitig lamang ako sa gitara niya. Hindi ko alam kung kailan ako huling humawak ng gitara. Sa sobrang busy ko sa buhay o sa sobrang pagod ko, hindi na ako na kakapag-gitara.

Tinaas ko ang tingin sakaniya at tipid na ngumiti. "Gusto ko 'man, Pero kailangan ako ng kapatid ko, eh." Kita ko ang pag-lungkot ng mata niya.

"Ano ba ang kailangang gawin ng kapatid mo?" Tanong niya. "Project niya." Sagot ko.

Ngumiti siyang muli. "Kailangan mo ng tulong?" Tanong niya.

Napakurap ako. This is the first time na may mag-alok ng tulong, kahit hindi niya ako masyadong kilala.

"H-huh? Kakakilala mo pala sa'kin, ah." Tumawa siya sa sinabi ko. Kumunot ang noo ko sa pag-tawa niya. Anong nakakatawa?

"Tapos tutulungan mo 'ko?" Tanong ko. Kita ko ang pagngisi niya sa tanong ko.

Well, lahat naman tayo magugulat 'diba? Shempre, ikaw ba alokin ng tulong, tapos kakakilala mo palang? Sinong hindi magugulat at magtataka?

Lumapit siya sa'kin, At may binulong. "Ayaw mo ba?" Mahinang sabi niya.

Muli akong napaisip. Kung papayag ako, Mas mabilis matatapos yung gagawin ng kapatid ko, At maaga akong makakapagpahinga.

Namula ako sa paglapit niya. "G-gusto mo bang tumulong?" Sinubukang kong hindi mautal.

Tumango lamang siya.

"Wala kabang gagawing masama?" Tanong kong muli.

Tinawanan lamang niya ko. Anong nakakatawa? "Sa g'wapo kong 'to. Satingin mo may gagawing masama?" Mayabang niyang tanong.

"Malay ko, Sabi kasi ni Moomy, 'Wag daw magtiwala kahit G'WAPO." Sabi ko.

Tumawa siyang muli. Huh? "Don't worry, wala akong gagawin na hindi mo magugustuhan." Seeyosong sabi niya. Dahang-dahan akong tumango.

Tumalikod na 'ko sakaniya, At nag-simula nang mag lakad. Ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin.

"Saan ka nag-aaral?" Nagsimula siyang magtanong. "UST High School." Simpleng sagot ko. "Ikaw?" Tanong ko pabalik.

"FEU-D, Grade 11." Sagot niya habang naglalakad kami.

"Mas Matanda ka pala sakin." Sabi ko. "Weh? Anong Grade mo na?" Nakangiti niyang tanong. "Grade 9." Simpleng tanong.

Nang nasa harap na kami ng Gate namin, Nagsalitang muli ako.

"Electric 'yung gagawin ng kapatid ko. Kaya mo ba 'yun?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya bago sumagot. "Oo, Stem student kaya 'to!" Mayabang niyang sagot. Napairap ako sa sinabi niya. Anong correct?

Imbes na sumagot ay humarap nalang muli ako sa Gate namin at Sinigaw ang pangalan ng kapatid ko.

"Drei! Pabukas ng Gate!" Sigaw ko.

"Sandali lang, Ate!" Tugon niya.

Mamaya pa ay nagbukas ang pinto ng bahay namin at nakita ko ang kapatid ko. Pumunta siya sa Gate at binuksan 'yun. Nang makita niya ang nasa likod ay kumunot ang noo niya.

"Ate, Sino 'yan?" Nagtatakang tanong niya.

Napatingin ako sa tao na nasa likod ko bago sumagot. "B-bagong kong kaibigan," Nakangiti kong sagot. "Gusto niyang tumulong sayo, Kaya dinala ko siya dito." Dagdag ko.

Tumango ang bunso kong kapatid. "Pasok na kayo, Ate, Kuya." Sabi niya. At agad akong pumasok kasi kanina pa ako nahihiya.

Hello! Sinong hindi mahihiya? Kakakilala ko palang tapos ga'non agad?!

Pagkapasok ko sa pinto, Nadatnan ko si Ate Lei na nagbabasa ng libro. "Oh, nandito kana pala. Kumain kana ba?" Tanong niya. Napatingin ako kay Ate at tumango.

Tumayo si Ate, At nilapitan ako. "Kapitana, Pahinga kana. Ako nang bahala kay Drei." Sabi niya habang nakayakap sakin.

"Ako na, Ate. May exam kapa bukas." Sabi ko. Tumango siya. At binitawan ako.

Dumiretso ako sa kusina. Sinilip ko ang labas ng bahay at nakita ang dalawa na nag-uusap.

"Kuya, Sige na, Kunin mo na 'ko as Piano boy." Pagpipilit ni Drei. Nang siyang dahilan ng pagkunot ng noo ko. "Para matulungan ko na sila Ate."

"Para malayo ko na sila kay Daddy." Pagmamakaawa ni Drei. "Para malayo ko na sila sa kapahamakan." Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Drei? Anong alam mo na hindi ko alam?

Descends Of The Free Man (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now