Chapter 6: Recommendation

3 1 0
                                    

"Thank you, Einah."

Paulit-ulit sa 'kin ang mga katagang iyon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na 'ko sa kakaisip ng katagang iyon.

Kinabukasan ay nagising na lamang ako ng may tumunog sa gilid ko.

Nakita kong tumatawag si Daddy sa 'kin, Hindi ko alam kung sasagutin ko ba, Dahil panigurado magtatanong iyon kung nasaan kami ni Drei.

Ngunit sinagot ko pa rin ang tawag ni Daddy.

[Nasaan kayo ni Drei, Steph?] Galit na bungad ni Daddy.

"N-Nandito po kami sa Laguna." Sagot ko.

[Na hindi manlang nagpaalam sa 'kin?!] Galit niyang tanong. [Umuwi ka ngayon dito, Einah! Ikaw lang umuwi, At iwan mo muna 'yung kapatid mo d'yan!]

"O-Opo." Sagot ko kahit pinatay na 'yung tawag.

Tulala ako bago ako kumilos. Nag-ayos na ako ng sarili bago ako bumaba.

Bumungad sa 'kin si Drei na nakaupo sa sofa, nagbabasa siya ng libro.

"Oh, Ate. May pupunta ka?" Tanong ni Drei.

Agad akong tumango. "Uuwi na 'ko. May biglaan kasing Training sa school. Kailangan ako-"

"Sino kasama mo?" Pinutol nang kung sino ang sasabihin ko.

Napalingon ako sa nagsalita. Lumuko ako pagtapos dahil kilala ko kung sino iyon.

"A-ako lang." Sagot ko habang nakayuko.

"Bakit Ikaw lang? Alam mo naman na delikado 'diba?" May halong galit na sabi niya.

Mas delikado kapag uwi ko sa Bahay. Bulong ng isip ko.

Napa-angat ako ng ulo. "Kaya ko naman, eh. Mag-iingat ako promise." Sabi ko habang nakangiti.

"Bakit hindi ka magpasama Kay Andrei? At bakit ka naman uuwi?" Galit niyang sabi ngunit pinipilit na maging kalmado.

Hindi ko pwede sabihin na pinauuwi ako ni papa, Dahil baka maudlot lang 'yung gig nila ngayong Gabi. Baka mag-alala din si Drei.

"H-Hindi na, kaya ko naman. Alagaan niyo nalang muna si Drei. Kailangan lang talaga ako dun." Paliwanag ko. "Mag-iingat ako pangako." Pangako ko sa kaniya.

Kita sa mukha niya pagkagalit, Marahil siguro dahil mag-isa lang ako ba-byahe.

"Mauuna na 'ko. Drei, Mag-iingat ka dito." Sabi ko. At lumapit Kay Drei at may ibinulong. "'Wag ka muna uuwi kapag hindi ko sinabi." Bulong ko, sapat na para hindi marinig ni Jared.

Dahan-dahan ako naglakad paalis. Bahala na siguro kung may mangyayari man ngayon sa 'kin sana hindi niya gawin Kay Ate Lei at Drei.

Nag-abang nalang ako ng bus para makauwi na 9 palang ng umaga baka 10 pa 'yubg bus kaya kumain muna ako.

Bumili nalang ako ng dalawang cup noodles with rice.

Nang makasakay na ako, ay ilang minuto lang natulog na ako. Marahin siguro ay dahil sa ilang oras lang 'yung tulog ko kagabi.

Nagising na ako, nasa maynila na ako. Sumakay na agad ako sa Taxi papunta samin.

20 minutes lang 'yung byahe kaya hindi na ako natulog kahit inaantok pa ako. Pag-baba ka ay binuksan ko ang gate upang masabi kay Dad na nandito na ako.

Pagbukas ko ng pinto, Bumungad sa 'kin si Daddy at... May babae nakaupo sa Lap Niya.

"D-Dad." Sabi ko upang Malaman niya na nandito na 'yung anak Niya.

"Oh, Steph. Ilagay mo na 'yang mga gamit mo sa taas tapos bumaba ka dito para maipagluto mo kami." Bungad niya sakin.

Ginawa ko ang inutos ni Daddy. Agad akong bumaba para makapag-luto para sa kanila.

Nagluto lang ako ng Adobo dahil 'yun ang gusto nung babae nakaupo sa Lap ni Daddy kanina.

Pinag-hain ko na sila. At nakisabay na.

"Maganda nga ang Anak mo, Labs." Puri ng Babae.

"Oo, kaya nga tama na siya 'yung i-recommend ko eh."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Descends Of The Free Man (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now