Chapter 3: Number

1 0 0
                                    

"Para malayo ko na sila kay Daddy. Para malayo ko na sila sa kapahamakan."

Hindi ko na kayang marinig ang pinag-uusapan nila kaya tinawag ko na ang pangalan ng kapatid ko. "Drei! Tara na gawin na natin para matapos agad!" Sigaw ko. Halos mapatalon naman si Drei nang sumigaw ako.

Ngunit hindi na siya sumagot. Bagkus ay nagtungo siya sa pituan at pumasok.

Nakita ko ang pagpasok ng bunso kong kapatid at nu'ng binatang bago kong kaibigan. Binalingan ko din ng tingin si Ate, Na nagtataka kung sino ang lalaking nakasunod sa bunsong kapatid. "Sino 'yang kasama mo, Drei?," Nagtatakang tanong ni Ate.

Napalunok ako sa tanong ni Ate. Lumapit ako sa sala. "A-ate, bago kong kaibigan." Sagot ko. Sinubukan ko ding 'wag mautal. Kasi baka sabihin ni Ate boyfriend ko 'yan. Tinitigan muli ni Ate si Jared.

Tumango si Ate, At inalok si Jared na umupo. Tumayo si Ate, At nagtungo sa kusina. Para siguro kumuha ng inumin. Nabigla ako ng may dalang mga Plato si Ate. "Oh, kumain muna kayong dalawa." Sabay lapag ng Plato sa harap naming dalawa ni Jared.

Pupunta muli Sana si Ate sa kusina nang nagsalita si Drei. "Ate, ako, hindi mo bibigyan ng Plato?" Tampong sabi ni Drei. "Arte mo, Kumain kana 'diba?" Taas kilay na sagot ni Ate. Binatukan niya rin si Drei na ikinisamanot ni Drei.

"Ate! Masakit!" Reklamo ni Drei. Hindi ko maiwasan ng mahiya kasi nagagawa nilang mag-away sa harap ng bisita!

Binalingan ko ng tingin si Jared na ngayon ay nakangiti. Siniko ko siya at sinabing. "Bakit nakangiti ka d'yan?" Tanong ko. Tumingin siya sa'kin, At nagsalita. "Nakakatuwa lang kayo." Nakangising sabi niya.

Napailing nalang ako, At tumingin kay Ate na ngayon ay pabalik na sa'min.

"Oh, kain na muna kayo." Sabi ni Ate habang nilalapag 'yung ulam at kanin. Napatulala ako sa lamesa ng may nilapag si Ate na... Vitamins?
"Oh, Vitamins. Inumin mo 'yan para hindi ka magkasakit, napapabayaan mo na 'yang sarili mo." Sermon ni Ate sa'kin.

This is what I expect from Ate Lei. Kita ko sa mata ni Ate ang pag-aalala. "Sige na, kumain na kayo para makauwi at makapagpahinga na kayo. May liligpitin ko lang 'yung mga kalat sa kwarto." Paalam na sabi ni Ate.

Tabi-tabi kasi matulog kasi takot na mag-isa si Drei, Dahil kapag hindi niya kami katabi minsan nakikita nalang namin na may mga Pasa o sugat sa mukha si Drei, na sigurado ako na si Daddy ang may gawa.

"S'werte mo sa Ate mo." Napatingin ako kay Jared na ngayon ay nagsasandok ng kanin. "H-huh?" Tangina, bakit pa 'ko nautal?

Napatawa siyang muli. "Ang s'werte mo kasi may Ate ka na mag-aalaga sayo. May bunso ka na handang gawin lahat para maligtas ka... kayo." Seryoso niyang sabi. Muli akong napaisip sa usapan nila kanina ni Drei.

"A-ano 'yung pinag-uusapan niyo kanina?" Tanong ko. "Samin na 'yun. Ayaw rin niya ipasabi." Sagot niya habang kumakain.

Pagtapos naming kumain ay nag-presinta siyang mag-hugas ng pinag-kainan. Aayaw sana ako pero ang kulit niya talaga. Kaya Sinamahan ko nalang siya, Pero pinaalis n'ya lang din ako, kaya tinawag  ko na si Drei para ipa-kuha 'yung mga gagamitin niya.

"Ano ba gagawin dito?" Tanong ko kay Drei. "Electric daw, Design a robotic hand." Robotic hand? Pucha ang hirap nu'n. "Bakit ngayon mo lang sinabi?! Drei, araw-araw tayo nag-kikita, Magkasama pa tayo sa bahay." Napakamot batok siya sa Sermon ko.

"Eh, busy ka, Ate. Tapos pagod kapa everyday." Rason niyang sagot. "Hay, Ewan, Drei!" Sigaw ko sakaniya. "Next week pa naman 'yun, Ate." Rason pa niya.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay si Jared ang sumagot. "Alam mo ba, isa sa mga rules ng banda ko ay ang i-clear ang mga gawain? Bakit ka nahihiya sa Ate mo kung willing naman siyang tulungan ka?" Mahinahong sermon ni Jared.

"Sige na, ako na mag-dedesign ng Robotic mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jared. "Hindi na! Ako na." Tutol ko sakaniya. "Design lang naman. Madali lang." Si Jared.

"Pero-" Pinutol niya ang sasabihin ko. "'Wag kanang tumutol, Reign." Maowtoridad na sabi ni Jared. Nakakatakot naman 'yung boses niya.

Tumango nalang ako sakaniya. "Bukas ko ibibigay 'yung design. Kaya kailangan ko 'yung number mo." Dagdag niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Number?

Pero binigay ko pa rin sakaniya kasi para sa project ng kapatid ko 'yun, eh. Pag-kabigay niya ng Number niya sakin ay Nilagyan ko na ng pangalan niya.

Hinatid ko na siya sa Gate, At nag-pasalamat.

Habang papasok sa pinto ay tumunog ang phone ko.

Jared Francisco: Hi, thank u sa food. Good night ❤

Descends Of The Free Man (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now