Chapter 4: Bracelet

1 1 0
                                    

Kinabukasan na gising ako dahil sa ingay sa baba. Okay lang naman din para matapos ko agad ang mga gagawin ko ngayong araw. Tumayo na ako upang i-ayos ang pinag-tulugan ko. Pagkatapos ko i-ayos ang pinag-gamitan ko at mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako upang alamin kung anong meron sa baba. Para na rin gawin ang gagawin ko.

Ngunit ako'y nagulat sa boses na narinig.

"We've yelled words we shouldn't
We fought for the best
Those tears we were crying, both happy and sad
Oh, time, it stops and people fade when you step in a room
I don't love anyone the way I love you

Bumaba pa ako ng kunti para makita ang kumakanta, Sigurado naman ako hindi ako makikita.

We don't fear the silence
You read like a book
I'd last a decade on one of those looks
I would give the ocean up to swim in your blues
I don't love anyone the way I love you
The way I love you
The way I

Nung una hindi ko mamukhaan ang kumakanta, Ngunit ako'y nagulat nang makita kung sino 'yun.

If I know what love is, it's because of you
You light my fire, yeah, that's the whole truth
I know it's easy to get lost in all of the issues

Si Jared!

I'll tell the whole world, top of my lungs
Past, present, future, they know you're the one
Doesn't take a diamond ring to say that I do
I don't love anyone
No, I don't love anyone

Nanlaki ang mga mata ko nu'ng nagtagpo ang mga mata namin. At nagpatuloy ang pagkanta siya. Ngunit ngayon ay nakangisi siya.

I don't love anyone the way I love you
Mmh, mmh
Da, da, da, da, da, da, da
Mmh, mmh
Mmh, mmh"

Pagkatapos ng huling linya ay nanatili ang mga mata niya sa'kin, At matamis na ngumiti.

Napalunok ako sa paraan ng pagngiti niya. Bakit parang ganon nalang ang epekto niya sakin? Sobrang lakas ng tibok ng puso, Parang anumang oras ay lalabas ito. May gusto na ba ako sakniya?

"Oh, Ate! Nagising kaba namin?" Naputol ang pagtinginan namin nung nagsalita ang kapatid ko. "Pasensya na, Ate. Hindi na kasi ako nagpaalam kasi ang sarap ng tulog mo." Nakakamot ulo niyang sabi.

Napalunok ako bago sumagot. "O-okay lang, May gagawin din naman ako, Eh. Thank you sa ingay niyo." Sinubukan kong hindi mautal. Pero tangina! Hindi ko kaya.

Ramdam ko ang pagtitig sa'kin ni Jared habang pababa ako sa hagdan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Parang anytime lalabas puso ko!

Nang nasa baba na 'ko, Pumunta ako sa kusina para tignan kung ano ang pwedeng lutuin para sa agahan. May nakita ako Tocino at Crispy Burger sa ref.

Naghanap ako ng bawang at sibuyas para sa sinangag. Nagsimula na 'kong magluto para makakain na sila. Shempre nakakakonsensya naman kung ako lang kakain.

Nang matapos ako, kumuha na 'ko ng mga Plato para sa 'kin at sa mga ka-banda ni Jared.

"Kain na kayo. Para may lakas kayo tumugtog." Pag-aaya ko sa kanila.

Lumapit sa lamesa ang dalawang ka-banda ni Jared at kumuha ng Plato. "Huy! Timigil nga kayo! Nakakahiya!" Sigaw ni Jared sa dalawa. "Sabi naman ni Ate Ganda, okay lang!" Sigaw naman pabalik nung isa na nagpainit ng pisngi ko.

Nagsimula na silang kumain sa lamesa kasama ang kapatid ko. Naiwan si Jared sa sala at may inaayos ang tuno ng gitara niya. Nagsimula na siyang tumugtog.

Nakatitig lamang ako sa binata. Tila tumigil ang paligid habang tumitig sa kaniya. Sobrang attractive niya. Mabango, Mabait, At higit sa lahat... G'wapo.

"Ate! Kain na!" Saka lamang ako tumigil sa pagtitig sa binata ng sumigaw ang kapatid ko. "M-mamaya na!" Sigaw ko habang nakatingin sa kanila.

"Hi, Steph." Halos mapatalon ako sa gulat ng may nagsalita sa likod. Napatitig ako sa mga mata niya hanggang sa labi niya bago lumunok.

"Hi." Nakangiti kong bati.

"Balita ko, birthday mo na sa Next Tuesday. Anong ganap mo?" Tanong niya. Napakurap naman ako dahil sa hindi makapaniwala.

"A-ah w-wala naman." Sagot ko. "May training din ako nu'n." Dagdag ko.

Napangiti siya at may dinukot sa bulsa niya.

Hinawakan niya ang kamay ko na ikinagulat ko. "Ah, Gift ko na 'yan sa'yo kung hindi ko man mabigay sa'yo sa araw ng birthday mo atleast may naibigay ako sayo."

Descends Of The Free Man (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now