• CHAPTER 7 •

803 44 11
                                        

The sun is nearly setting as I stumbled to and fro the woods. Nilalabanan ng mga hampas ng hangin ang init ng araw sa hapon. I circled tree after tree, casually wandering.

Ano nga bang pinunta ko rito?

I kept walking with no directions. Basta lakad na lang ako sa kung saan. For some odd reason, kahit na 'di ko alam kung saan ako naglululusot, tila pamilyar na sa 'kin ang mga punong aking nadaraanan.

Not long after, nadatnan ko ang mga mapapayat na puno ng lanzones at rambutan. I knew I've been here. Ilang hakbang pa ay nakatagpo ako ng lilim sa ilalim ng isang puno ng kapok. Napagpasyahan kong maupo muna roon at habulin ang hininga.

I hugged my knees and looked upon the clear sky. The wind kept brushing my hair, as always. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero parang laging mahangin ang aking pakiramdam sa paligid—kahit anong init at lamig.

Maybe that's just how the way it is in the province.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata habang dinarama ito, pinakikinggan ang awit ng mga dahon sa bawat sangang nasa paligid.

"Tulong!"

A soft pound thumped on my chest. Napangiwi ako nang tila may marinig na namang boses.

"Hello? May tao ba diyan kung saan? Tulong!"

Kaagad akong napadilat nang mistulang lumakas ang narinig kong pagsigaw. Iginala ko ang aking tingin sa paligid, tinatalasan ang parehong paningin at pandinig.

"Tulong! Aray!"

"Shit! May tao nga!" Napabalikwas ako mula sa pagpapahinga. "Uh... Sandali! Nasa'n ka‽" tugon ko sa tinig na humihingi ng tulong.

"Dito! Ditoooo!" halos mamalat nang sigaw ng kung sinomang 'yon.

Agad akong tumakbo sa direksyon kung sa'n ko naririnig ang pagsigaw. He kept on grunting loudly so that he could lead me to where he was. Diretso lang ang aking pagtakbo mula sa kung sa'n ako nanggaling. 'Di rin nagtagal ay tumambad sa 'kin ang pamilyar na matayog na puno ng mahogany. Sa tabi ng punong 'yon ko natagpuan ang lalaking humihingi ng tulong.

Agad na nagtagpo ang tingin namin nang ako'y makalapit nang husto. Both of our eyes widened when we got a glimpse of each other.

"Ikaw‽" we both exclaimed.

It was him... again! He was squirming on the ground with his right leg stuck under a thick and seemingly heavy timber. Kabado ko siyang nilapitan, iniisip kung ano ang gagawin.

"Anong ginagawa mo rito? Naligaw ka na naman?"

Lecheng kurimaw 'to! Nagawa pang mang-asar.

"Kung ako sa 'yo, ititikom ko muna ang bibig ko. Baka magbago pa ang isip kong tulungan kang kurimaw ka." Kunot-noo akong lumapit sa katawan niyang nakalatag sa lupa.

He managed to slide a giggle before wincing again in pain. "Sorry," paimpit niyang sabi.

Lumipat ako ng pwesto. Nagtungo ako sa kanyang likuran, malapit sa binti niyang nadaganan ng mabigat na sanga. Sa tuhod pala niya ito tumama kaya mukhang hirap talaga siyang gumalaw. His body was also a bit twisted kaya siguro 'di na niya nagawa pang iangat 'yong sanga.

"Susubukan kong buhatin 'tong malaking sangang 'to tapos bilisan mong gumapang kaagad kapag 'di mo na maramdaman 'yong bigat sa tuhod mo," I instructed, readying myself to lift the timber. Wala naman akong narinig na pag-angal mula sa kanya.

Kinapa-kapa ko muna kung aling parte no'ng sanga ang dapat kong bigyan ng pwersa para mabuhat. When I found a spot where I could easily hold my grip, that was the time I looked at him in the eye.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora