"Yup. I think that's the last of it," Ralph grunted as he put down the last of the heavy sacks of mangoes that they would deliver throughout the following days.
I wiped down the sweat that skid over my face. Pagod man, 'di ko naman maikakaila ang tuwang naranasan kasama sila habang namimitas ng mga mangga. Could've been my extracurriculars back at school.
"Dala niyo na ba mga basket niyo?" tanong ni Ralph sa 'ming lahat. Sandali naman kaming nahinto sa kanya-kanya naming kulitan upang tugunan siya ng tango. "Nice! Oh, pa'no? Ihatid ko muna kayo. Pagabi na rin eh," he offered.
"Naku, men. 'Wag na. Maaabala ka pa namin," pigil naman ni Joko sa kaibigan. "Kabilang sitio pa uwi namin ni Kristal. Kaya na namin 'to."
Tinanguan naman ito ni Caloy. "Baka gabihin ka na rin ng uwi kapag hinatir mo pa kami, Ralph. Delikado."
"Sus! Ano ba kayo? No worries, mga bro. Wala naman na 'kong ibang gawain. No bother at all," Ralph insisted.
"Alam ko na!" biglang awat ni Yna. "Ihatid na lang nating lahat sina Joko at Kristal sa tawid-ilog. Oh, edi at least hindi na tayo nagpapauyuhan kung maghahatiran pa ba o ano, 'di ba?" suhestiyon niya.
Nagkatinginan kaming lima.
"Eh pa'no areng mga bitbit natin?" Caloy contested.
"Iwan muna natin sa bahay namin. Kalapit-lapit lang naman eh," si ni Yna.
"Edi gano'n na nga lang," halakhak ni Ralph saka sabay na inakbayan sina Yna at Caloy. "Ano pa nga bang ginagawa natin dito? Naglalakad na dapat tayo. Let's go!"
• • • • • • • • • •
"Ayan. Dito na muna 'yang mga 'yan," sambit ni Yna nang kanyang maihilera ang mga dala naming bayong ng mangga malapit sa pinto ng kanilang bahay. "Tara na?"
I simply nodded as a response before I joined her to walk towards their gate. Napalingat naman kami kaagad nang mapansing hindi namin kasabay maglakad palabas si Caloy.
"'Loy? Ano? Tara na, teh!" tawag ni Yna sa 'king pinsan. Hindi naman natinag si Caloy sa kanyang kinatatayuan.
"H-hindi na 'ko sasama," kamot ni Caloy sa kanyang batok. "Naalala kong may iniutos sa 'kin ang Nanay. Baka ako'y kagalitan noon."
Yna turned her head towards me, her brows asking if my cousin was telling the truth. Having no clue, I shrugged.
"Oy! Matagal pa kayo diyan?" sigaw ni Joko mula sa gate.
"Sige na. Baka gabihin pa kayo," may halong lambing na udyok ni Caloy.
Yna flicked her lashes at him. When their stares couldn't get more meaningful, she just scoffed. She grabbed a hold of my wrist before pulling me away.
"Go lang, teh. Dalhin mo na rin 'yang mga mangga ninyo pag-uwi. Papar'ne na kami," she riled. Caloy was just waving goodbye at us when I glanced back at him.
Pinaningkitan ko siya. Even my heart thumped out of rhythm. Umihip ang hangin, pinaglalaruan ang aking buhok, lalong kinukumpol ang 'di magkaintindihang mga kutob.
Anong binabalak mo, Insan?
• • • • • • • • • •
The sound of laughter lingered around us as we ventured onto the crackling path towards the pretty convenient shortcut to Sitio Munting Kural. Tila wala lang kina Joko at Ralph ang bigat ng buhat-buhat na mga bayong habang patuloy lang naming sinusuong ang daan pasikot sa gubatan.
They were teasing Yna about some guy which made her blush. Pikon, lumagitik ang kanyang palad sa mga braso nina Joko at Ralph na siyang ikinahiyaw naman ng dalawa.
ESTÁS LEYENDO
What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]
Misterio / Suspenso[COMPLETED | July 17, 2023] - EDITED!!! Genre: Mystery-Fantasy, BL, Drama Rated M (Mature) As an introvertive guy who lived all his life in the city, Vian knew nothing about the serenity nature has to offer. He never really walked out of his ring of...
![What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/299391848-64-k694009.jpg)