Unti-unting nilululon ng aking kama ang pagod na bumalot sa aking katawan. The following days were nothing but chores. Halos parang sinigurado na nina Tio Gimo na 'di na kami masyadong maglalalabas ni Caloy ng bahay
How I wish Euthymios was here to drain my tiredness away.
Tila sobrang tagal na rin no'ng huli naming pagkikita kahit na ilang araw pa lang naman talaga ang nakalilipas. Bakit ba kasi parang hindi siya naalis ng gubatan? Edi sana nabibisita niya rin ako rito.
Nahagip ng aking paningin ang gomang porselas na binigay sa 'kin ni Euthymios. Nakasabit 'yon sa poste ng kama, nananahimik na nakapalamuti lamang doon. Naglaro roon ang aking tingin, isip ay lumilipad. Habang tumatagal ay tila mas natuon ang aking atensyon doon, mas binibigyang pansin ang maliliit nitong mga detalye.
Sinipat ko ang kabilugan ng nag-iisang butones na siyang nakadikit doon. Hanggang ngayon ay tila palaisipan pa rin sa 'kin kung bakit naman butones ang naisipan ni Euthymios na ipandisenyo sa baller band na ito.
Sinungkit ko ang porselas gamit ang aking daliri, pinaiikot-ikot ito bago tuluyang isinuklot sa aking braso. Medyo maluwag ito para sa akin kaya naman panay ang pagpapadausdos ko nito dahil sa kabagutan.
Habang pinaglalaruan ang baller band ay bahagya kong naramdaman ang mistulang pamilyar na pagkiskis nito sa aking balat. Natigilan ako sa pinaggagagawa ko rito, tinitingnan nang maigi ang hitsura nito sa iba't ibang anggulo.
"Parang nakita ko na 'to na 'to kung saan," I mumbled to myself.
I rubbed the tip of my finger on the white button that was embellished on the band. Tila may maliliit itong gasgas sapagkat ramdam ko ang gaspang nito sa manipis nitong gilid.
I know how minute this button is so there is no way that I could even recall when or where I had seen this before. The feels of it were just so... familiar.
"Look, Caloy. Hindi ako nagparito para makipagbangayan pa sa 'yo."
My trance was broken upon hearing that familiar suave voice. Bumangon ako sa 'king pagkakahiga nang mahinuhang sa labas nanggaling 'yong boses.
"Ay sinong hindi mababarino, Ralph? Para naman kasing timang eh. Akala ko ba malinaw na malinaw na ang lahat ng usapan natin noon pa?" I eavesdropped on how frustrated Caloy was, trying to control his hushes.
Anong usapan ang tinutukoy nito ni Insan?
Kunot-noo akong tumabi sa bintana upang mapagmasdan silang dalawa mula sa 'king kwarto. Tanging hawi lamang ng mga buhok nila ang aking namamataan sa 'king pagsilip. Determined, I did my best to grasp every word coming from their murmurous conversation.
"Pero sobrang tagal na no'n, 'Loy. Hindi ba pwedeng ibaon na lang natin 'yon sa limot? Kaya nga tayo nagkawatak-watak, 'di ba? Dahil lang 'yon do'n," Ralph uttered as if trying to reason out with Caloy.
"Anong dahil lang do'n?" From the sound of it, Caloy is already trying to keep his cool. "Ralph, hinding-hindi mababaon sa limot yo'ong nangyaring yo'on. Ang hinihingi ko na nga la'ang sa inyo ay ang kapayapaan ng konsensya ko," piyok pa ni Caloy.
Umigting ang tila buhol-buhol na pakiramdam sa 'king mga kalamnan. Nagsimulang pumasok ang mga tanong sa aking isipan. Hindi ko mapunto kung bakit pa 'ko patuloy na nakikinig ngunit parang mayro'ng bumubulong sa 'kin na manatili lamang sa aking pwesto.
"Oh, ngay'on? Anong ginagawa mo ulit sa lugar na 'yon?" pang-uusisa ni Caloy sa kaibigan. "Akala ko ba'y ige na tayo nina Joko sa desisyong wala nang babalik doon?"
"Eh ikaw ha? Hindi ka rin ba nabalik doon?" I heard Ralph retorted. Tila napatikhim si Caloy. " You're already caught redhanded the other day. Imposibleng ang dahilan mo lang ay hinahanap mo lang 'yang pinsan mo kaya ka ulit napadpad do'n."
ESTÁS LEYENDO
What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]
Misterio / Suspenso[COMPLETED | July 17, 2023] - EDITED!!! Genre: Mystery-Fantasy, BL, Drama Rated M (Mature) As an introvertive guy who lived all his life in the city, Vian knew nothing about the serenity nature has to offer. He never really walked out of his ring of...
![What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/299391848-64-k694009.jpg)