• CHAPTER 12 •

732 40 10
                                        

It was another day in the province. Medyo tinanghali na ako ng gising dahil pahirapan akong makatulog kagabi.

Sinasariwa pa rin ng aking utak ang lahat ng nangyari sa akin kahapon kasama si Euthymios. It almost felt like a dream kaya halos mamantal na rin ang aking balat sa pagkurot-kurot ko sa sarili. It was all real! His bare figure already made an imprint in my mind. Even the whispers I almost constantly hear everyday, parang naging soundtrack ko na.

Lubos akong nahimasmasan nang matapos na akong maligo. Bihis na bihis na ako no'ng lumabas ako ng banyo, ang tuwalya ay nakapulupot sa 'king leeg.

I promised Euthymios na babalikan ko ulit siya ngayon. To be honest, I don't know the real reason kung bakit ko naisipang magsabi sa kanya na babalik ulit ako. 'Di kaya nawiwili na ako sa presensya niya?

Imposible! Baka naman sa preskong ambiance lang sa paligid ng kubo niya ako nawili. Tama. Baka do'n nga.

Paakyat na sana ako sa hagdanan nang harangin ako ng pagtawag ni Caloy. I stopped at the foot of the stairs and turned my gaze at him. Nasa likod naman niya si Yna.

"Isantabi mo ang mga agenda mo ngay'ong araw, Insan ah?" halos maawtoridad na sambit ni Caloy.

I tilted my head sideways, making a crease on my forehead. Ano na namang trip ng dalawang ito?

"Kaya nga teh! Mangingisda tayo," nagagalak na bunyag naman ni Yna. Parehong lumawak ang kanilang mga bungisngis bago nakipag-apir sa isa't isa.

Napangiwi ako sa aking kinatatayuan, inuulit-ulit sa aking kokote ang nag-iisang salitang tatakbo-takbo sa aking isipan.

Euthymios.

• • • • • • • • • •

Matapos kong makapag-ayos ng gamit sa aking kwarto ay kaagad na rin akong kinaladkad ni Caloy palabas ng bahay. Wala na akong nagawa kundi ang magpatianod sa kung ano mang trip ng dalawang ito.

Muli naming nilakad ang daan papunta sa bukas na bakod papasok sa gubatan. 'Di pala nila alam 'yong bukas na bakod na mas malapit sa bahay nina Caloy pero 'di ako nagsalita ukol do'n.

We walked at the same direction kung saan kami huling nangabute ni Caloy. Turns out, we will be fishing in a small stream that is connected to a very familiar river. Medyo tuluyan ko na ring nakakabisado ang aming dinaraanan sa ilang beses na naming paglalakad-lakad.

"Sana tayo lang mangingisda ngayon do'n 'no? Baka mamaya, makipag-agawan pa tayo sa kanila ng tilapia," ani Yna na siyang nangunguna-nguna sa paglalakad.

"Aydi ya'e kung tayo'y may kasamahan. Nando'n la'ang naman tayo para manguha ng makakain eh," pabalang na sambit naman ni Caloy.

"Ay hindi, Caloy. Hindi talaga. Bawal 'yon. Kailangan tayo lang nando'n. 'Di ako papayag," sumbat naman pabalik ni Yna, mapang-asar ang tono. Tulad ng aking inaasahan, nagsimula na naman ang kanilang walang humpay na kulitan.

Tahimik lang akong pinagmamasdan sila, dala-dala ang isang timbang pagsisidlan daw namin ng aming mga nahuli. Kahit wala pa ako sa huwisyong sabayan ang energy nila ay tila nahahawahan na lang ako ng paghagikhik. Para silang mga bata kung maghabulan sa pagitan ng mga puno.

"Teka, teka!" Hingal na hingal na si Caloy mula sa pagtakbo. "Taympers muna," habol-hininga niyang sambit, napapatuwad habang hinahabol ang hininga.

"Anong taympers teh? Bawal 'yan!" gatong ni Yna sa kanya saka siya muling kinaladkad. "Maglalakad pa tayo!" Wala nang nagawa si Caloy kundi ang umatungal at magpahila na lang sa kaibigan.

I shook my head at how kooky they are. Nauna na silang maglakad so I just followed their lead.

Pinanood ko ang aking bawat hakbang, tila muling nababagabag sa pag-iisip. Mistulang nawalay na naman ang aking diwa.

What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora