Funny how frog legs kind of look like chicken wings—but smaller. Sabi nina Tia Amel, halos kalasa lang din siya nga manok. Kaya kapag kinain mo 'yon nang 'di nalalaman, aakalain mong karne ng manok talaga ang kinakain mo. Much like the same with the principle of "panlilinlang." It's like... trusting without knowing. One minute it felt good while savoring it, then the next, you start retching.
Pinanood ko ang paggagayat ni Caloy ng mga patatas habang masinsin kong binabanlawan ang mga bagong hiwang karne ng palaka. Salubong ang kanyang kilay, tuon lang ang atensyon sa ginagawa.
Habang nililipat ang mga bagong hiwang patatas sa malaking hawong ay nasanggi niya ang malaking puting sibuyas sa tabi. Gumulong 'yon papalapit sa 'king paanan kaya nama'y 'di na 'ko nagdalawang-isip na pulutin 'yon.
Caloy looked past me as I approached him, the white onion in my hands. Nakangiti kong iniabot sa kanya 'yon.
"Ito oh," sambit ko.
Walang kahit anong linyang gumuhit mula sa kanyang mukha. He just grabbed the onion right out of my hand and went back to chopping. No other interactions, not even a 'thank you.'
Taimtim na lang din akong bumalik sa 'king ginagawa. Maya't maya ang aking paglingon kay Caloy habang inaalis ko na sa tubig ang mga binanlawan kong karne. When I realized that he would not look back at me, I just looked down at the basin. There, I saw my forlorn reflection, just looking intently right at my soul.
Ano bang nagawa kong mali, Caloy?
Nang matapos sa pagbabanlaw ay minabuti ko nang hanguin ang karne upang madala iyon kay Tio Gimo na siyang ihinahanda ang lutuan sa likod-bahay. Pagkasapit ko sa tungko ay nadatnan ko si Tio'ng katatapos lang na palingasin iyon. Nang makalapit nang husto'y saka ko iniabot sa kanya ang hawong ng karne.
"Ay, salamat pamangkin," aniya.
Tumuon ako sa posteng nasa tabihan ng tungkuan.
"Tio," malumanay kong tawag sa kanya. "Ayos lang po kaya si Caloy?" Bakas sa 'king tono ang pag-aalala.
"Aba'y bakit? Sinusungitan ka baga?"
'Ata po.
"Ah... h-hindi naman po. Mukha po kasing wala siya sa mood."
"Ay ayos la'ang naman 'yan kanina eh. Hayae at baka sinusumpong la'ang. Kulang 'ata sa tulog," aniya. "Subukan mo la'ang kausapin, pamangkin. 'Di naman nagtatagal ang sumpong niyan. Iyo la'ang daldalin," he advised.
I just sported a fond smile. "Sige po, Tio. Pasok na po ulit ako sa loob," paalam ko.
I absent-mindedly dragged my feet back inside the house. I don't know what to think anymore. The more I invoke thoughts in my head, the more bewildering all things become. It insnares every sensation I would try to feel.
"Ahhh!"
Nagsanib ang mga hiyaw namin ni Caloy nang aksidente kaming magkabungguan. Kanyang mabitiwan ang mangkok na naglalaman ng mga hiniwa niyang rekado. We both stared at the ingredients scattering on the floor, no one moving a muscle.
"Ano 'yon?" tawag ni Tia Amel mula sa salas.
"Wala, Ma! May nahulog lang!" agad na tugon ni Caloy.
He seems fine. Nasa'n 'yong sumpong na sinasabi ni Tio?
I watched as Caloy went on his knees to pick up the ingredients. Yumukod din ako upang tulungan siya.
"Anong ginagawa mo?" kaagad niyang puna sa 'kin nang maglagay ako ng mga napulot pabalik sa hawong.
"Tinutulungan ka," I retorted.
"'Di ko kailangan ng tulong mo. Alis na diyan! Ako na."
Tinabig niya ang aking kamay saka nagpatuloy sa pagpupulot. Nakayukod akong pinanood siya hanggang tuluyan na niyang makuha ang lahat ng sangkap. Kaagad niya 'yong idineretso sa lababo.

YOU ARE READING
What the Trees Kept Whispering [COMPLETE]
Mystery / Thriller[COMPLETED | July 17, 2023] - EDITED!!! Genre: Mystery-Fantasy, BL, Drama Rated M (Mature) As an introvertive guy who lived all his life in the city, Vian knew nothing about the serenity nature has to offer. He never really walked out of his ring of...