CHAPTER ONE

125 1 2
                                    

AUTHOR'S NOTE:
This chapter has mature scenes not suitable for young readers. Please read at your own risk.

"KAILANGAN bang ngayon na tayo lumipat?", naiinis kong tanong kay mama.

Kasalukuyan akong nag-iimpake ng aking mga gamit dahil sa lilipat na kami sa bahay ng mapapangasawa nito. Hindi ko pa nakikilala ang lalaki maliban na lamang sa mga detalyeng kinikwento nito tungkol dito.

"Nahli, we already talked about this. Just be cooperative, Henry is a good man he will take care of us.", giit ni mama sa akin habang kasalukuyan ding nag-iimpake ng sariling mga gamit.

"Whatever! Tapos na ako!", sabay padabog na umupo sa upuan na nasa beranda ng apartment na  limang taon na naming inuupahan.

Narinig ko ang buntong hininga ni mama dahil sa inasal ko. Hindi naman sa ayaw ko na mag-asawa itong muli, kaya lang ilang buwan palang nito nakikilala ang lalaki tapos nagbababalak na agad na magpakasal.

Ayon sa kuwento ng mama ko, nakilala nito ang lalaki sa isang kasal na ito mismo ang nag-organize. Isang event planner ang mama ko. Nagkataon na kaibigan ng mga kinasal ang naturang lalaki. Ayon pa dito, ang lalaki ay isang haciendero sa isang malawak na lupain sa parte ng Northern Samar at isang balo. Hindi ko pa ito personal na nakikilala subalit base sa mga kwento ng kanyang ina masasabi niyang lubos na itong hulog ang damdamin sa naturang lalaki.

"Love, please be good. Mahal ko si Henry, nararamdaman kong totoo na ito sa ngayon. Ayaw mo bang sumaya si Mama?", malambing na saad nito sa akin na makalapit sa kinauupuan ko.

"Ma, you know how much I want you to be happy. Kaya lang diba parang ang bilis naman? Ilang months palang kayo nagkakakilala tapos kasal agad?", pangangatuwiran ko.

"Bakit bawal ba 'yon? Hindi naman diba, it's just that my heart happened to beat to that man. Nahli, love is something you can't restraint. When you love, you love and that's it.", saad nito sa akin.

"I don't know, but I'm still not convinced.", nakasimangot kong tugon sa kanya habamg kinakalikot ang kanyang cellphone.

Natawa ito sa naging tugon ko na mas lalong kong ikinasimangot. Well, hindi pa ako nagkaka-boyfriend kaya wala akong alam sa mga ganoong romantikong pakiramdam para sa isang lalaki.

"Dadating ang panahon, mauunawan mo rin ang mga sinasabi ko. Halika na at baka maiwan pa tayo ng eroplano.", kayag ng kanyang ina.

MAHIGIT ISANG ORAS ang biyahe mula Manila hanggang Northern Samar. Bagot na bagot ako at nananakit din ang likod ko dahil sa matagal na pagkakaupo. Hindi ako mahilig bumiyahe kaya hindi sanay ang katawan ko.

"Nahli, yung mga bagahe natin paki-secure mo baka ma-snatch ng di natin namamalayan.", saad ni mama.

Hindi ko 'yon narinig dahil kasalukuyan akong nakikinig ng musika.

Nang mapansin ito ni mama ay agad ako nitong nilapitan at tinanggal ang headphone na suot ko.

"Nahli you know how foreign we are in this land, can you please secure our luggage?", saad ni mama.

Wala akong nagawa kundi sundin ito dahil tama nga naman, dayuhan kami sa lugar at ang mabuting gawin ay mag-ingat.

"Fine.", nakabusangot kong tugon rito.

"Thank you, my love. Don't worry nag-text na si Henry nasa waiting station na sila ng airport. Halika na.", nakangiting saad nito at ginayak ang patungong waiting area.

Sumunod ako kay mama. Habang hila-hila ang mga bagahe namin hindi pa rin maipinta ang mukha ko. Hindi naman sa mabigat ang mga bagahe sadyang wala lang ako sa mood.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now