CHAPTER FIVE

10 0 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:
This chapter has mature scenes not suitable for young readers. Please read at your own risk.

"Kahit saan ka pumunta mahahanap rin kita!"

Pinilit kong isiksik ang sarili sa maliit at madilim na ilalim ng isang sirang mesa sa may attic ng apartment namin.

Sa mga oras na iyon ay wala si mama dahil sa may lakad ito at si Tito Ramon.

"Nahli! Punyeta nasaan ka?! Lumabas ka na kung hindi ay makakatikim ka sa'kin kapag nahuli kita!"

Si Macky. Ang anak ni Tito Ramon na kinakasama ni mama, sa makatuwid stepbrother ko na ito. Subalit, things got worst when he's drunk. He usually tend to molest me. Kahit gusto kong magsumbong kay mama ay hindi ko magawa dahil sa nagbanta itong papatayin nito si mama.

Ito ang ikatlong pagkakataon na sinubukan niya akong molestyahin at tinaon pang wala si mama. Habang nagtatago ay labis ang aking takot at taimtim na nagdadasal na sana ay may dumating at iligtas ako.

Madilim ang aking kinaroroonan dahil sa isa itong tambakan at gabi rin. Madumi rin at puno ng mga sirang gamit kaya isang maling hakbang lang ay maaari akong makasagi ng mga gamit na maaring magbigay hudyat upang matunton ang aking pinagtataguan.

I try to calm myself by releasing deep breath. However, my tears won't stop from falling as my whole body keeps on trembling. At that very moment, I have no one to run into. The only thing that keeps my location secure is the door where I  put a chair to serve as its lock.

Pinakiramdaman ko ang aking paligid. Wala akong narinig na kahit anong ingay. Dahan-dahan akong gumapang paalis sa pinagtataguan ko. Ngunit biglang kumalabog ang pinto na ikinataranta ko at sa kasamaang palad ay nadaganan ako ng sirang mesa na pinagtataguan ko.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now