CHAPTER ELEVEN

2 0 0
                                    

“SENYORITA, baba na daw po kayo.”

After what happened between me and Kendric, agad akong nagkulong at nagmumok sa aking silid.

“Okay, I’ll be right there.”

Nang marinig ko ang papalayong yapak ng kasambahay ay agad kong inayos ang sarili at pagkatapos ay bumaba na.

Naabutan ko sina mama at Tito Henry kasama ang isang di pamilyar na mukha katabi ng taong kinaiinisan ko. Agad na umasim ang mukha ko lalo na’t mapansin kong tila close ang dalawa.

“Sino kaya siya?”

“Nahli dito ka maupo.”, saad ni Tito Henry at sinunod ko naman ito.

Nasa kaliwang bahagi ako ni mama nakaupo. Hindi pa pormal na nagsisimula ang paghahapunan ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

“Mariano?”

Nanlaki ang mga mata ko sa boses na narinig. Tanging sa drag race lang ako tinatawag ng ganoon.

Yes, you heard it right. Nahli Mariano is a certified drag racer.

Nilingon ko ang tumawag sa akin at laking gulat ko kung sino ‘yon.

“Wayne?! Bakit ka nandito?”

Wayne Hidalgo, isa sa mga naka-compete ko sa drag race noong nasa Manila pa kami nakatira.

What the! Wayne Hidalgo, right Hidalgo. Ibig sabihin magkamag-anak sila ni Kendric.

“Anak siya ng pinsan kong si Wyatt. I’m happy to know that you know Wayne.”, saad ng papa ni Kendric.

“Yes Tito, we actually met in a drag ra--”, hindi na ito nakatapos sa sasabihin ng agad kong tinakbo ang pagitan nila upang takpan ang bibig nito na matagumpay ko namang nagawa .

Natawa ang papa ni Kendric dahil doon. Pinanlakihan ko ng mga mata si Wayne na tila sinasabing “tumahimik ka”.

Binalingan ko ng tingin si mama, nakakunot ang noo nito na tila alam na ang kadugtong sa sasabihin ni Wayne. Matagal na siya nitong pinagbabawalan na sumali sa mga drag race subalit di ako nagpapapigil. Masyado kong mahal ang karera para gawin ‘yon.

“Kakain ba tayo o ano?!”, malakas na sabi ni Kendric na ikinabaling ng tingin ng lahat na nasa lamesa.

“Of course we will. No need to shout. Sige na, Nahli, Wayne maupo na kayo para makakain tayo.”, gayak ng kanyang Tito Henry.

Pinakawalan ko si Wayne. Pero bago ito tuluyang makaupo sa pwesto nito ay bumulong ito sa akin.

“Lagot ka Mariano.”

“Buwesit ka!”, mahina ngunit may diin na bulong ko dito subalit tumawa lang ito at tuluyang umupo sa pwesto nito katabi ng papa ni Kendric.

Habang napapailing ay aksidente kong nabalingan ng tingin ang pwesto ni Kendric. Matalim na tingin nito ang nakapukol sa akin na tila ba may ginawa akong hindi maganda, subalit kaysa umiwas ay tinaasan ko ito ng kilay.

Problema mo?!

“ARE YOU staying here for good now, Hara?”, her Tito Henry ask the woman beside Kendric.

Hara? Kendric’s girlfriend? So totoo nga, may girlfriend na ito. E bakit ito nanghahalik,hayst lalaki nga naman.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Illicit LoveWhere stories live. Discover now