CHAPTER SIX

4 0 0
                                    

"SHE WAS almost raped by her stepbrother."

Napabaling ng tingin ko sa ina ni Nahli dahil sa sinabi nito.

Almost raped?

"It was all my fault. I was too busy trying to save my relationship with a jerk and left her alone with an animal." kwento nito habang tumutulo ang mga luha.

Ina-alo ito ng kanyang ama.

"Have you sent the guy in prison?", tanong ko.

"Yes. Pero, madalas di ko maiwasang di mag-alala lalo na kung gaganap ang mga pangyayaring tulad nito."

"You mean, "this" often happen?", tanong ni papa.

Tumango si Tita Nessa, ang ina ni Nahli.

"She may seem so full of energy but she's not literally fine. Almost every night, after what happened to her, halos di ko siya makausap nang maayos. Palagi siyang takot at ni ayaw nang lumabas ng kwarto. It has been 4 years since that incident happened pero para sa kanya parang kahapon lang 'yon nangyari.", malungkot na kwento nito.

"Nagpa-therapy ba siya?", tanong ulit ni papa.

"Yes. Naging epektibo naman ang mga naging therapy sessions niya, after 2 years sabi ng doktor ay okay na siya. However, hindi pa rin daw maiiwasan ang mga ganitong pangyayari lalo na kapag may mga bagay na makapagpapaalala sa kanya ng pangyayaring iyon."

"Gaya ng alin?", tanong ko.

"Dilim, makipot na lugar at dugo. Naghi-hestirikal siya, di nakakahinga at nawawalan ng malay. Siguro naulit kanina ang pagkapatay ng ilaw sa kwarto niya, kaya naganap ang ganito.", saad ng ina ni Nahli.

"Namatay ang ilaw sa kwarto ni Nahli? Imposible iyon, I made sure na okay ang electric supply ng kwarto niya at bago ang mga bombilya dahil 'yon ang bilin mo.", naguguluhang saad ni papa.

"Iyon rin ang hindi ko maintindihan, pero 'yon ang sabi ni Nahli kanina sa'kin."

Patuloy na nag-usap ang papa ko at ang mama ni Nahli. Ako naman ay nagpaalam paalis sa mga ito.

LINGID SA kaalaman ng mga ito na pagkatapos kong magpaalam ay pumasok ako sa kwarto ni Nahli. Umakyat ako sa puno at dumaan sa bintana ng kwarto ng dalaga.

Maingat akong lumapit sa kinaroroonan ng dalaga. Walang ingay akong umupo sa espasyo ng kinahihigaan nito.

She looks so fragile.

Hindi ko mapigilan na di haplusin ang mukha ng dalaga. I don't exactly understand what I am doing but one thing I'm sure, I will protect her from this day on.

Wala pang isang araw na nakikilala ko ang dalaga pero pakiramdam ko ay matagal ko na itong kilala. When I saw her face earlier, scared, I  wasn't able to think straight. I just want to hug her tightly as I could.

" 'Wag! 'Wag! Pakiusap!", takot na takot na sigaw ni Nahli na tila nananaginip.

Mahigpit ang kapit nito sa kumot at takot na takot na binalot nito 'yon sa katawan habang lumalayo sa pwesto ko.

Sinubukan ko itong lapitan upang aluhin subalit patuloy ito sa pagwaksi ng aking mga kamay.

"Stay away from me! Please, leave me alone!", patuloy na sigaw nito.

Still, I  try to reach her hand, and he did.

"Don't touch me!", sabay waksi sa kamay ko.

Again, I try to reach Nahli's right hand and then softly caress it and envelope it with my both hands.

"I will not hurt you. Don't be scared.", I sincerely said.

With pouring tears, Nahli look at me. She sobs. She recognized him.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now