CHAPTER TEN

1 0 0
                                    

ONE WEEK LATER…

PAGKATAPOS NG NANGYARI sa talon, agad na nagpasyang umuwi si Kendric. Akala nga ni Nahli ay doon sila magpapalipas ng gabi. Subalit, hindi iyon ang nangyari.

Madilim na nang makarating si Nahli at Kendric sa mansiyon. Pagkarating na pagkarating nila ay agad silang sinalubong ng kanilang mga magulang.

Tinanong sila ng mga ito kung saan sila nanggaling.Si Nahli ang sumagot at sinabing lubos siyang nawili sa kapaligiran kaya ngayon lamang sila nakabalik ni Kendric.Bakas naman sa mga mukha nito na nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ng dalaga.

Subalit, sa kabilang banda ay napansin ni Nahli ang tila pag-iwas at panlalamig ni Kendric. Kanina pa rin itong walang kibo habang lulan sila ng kabayo nito.

“Halina kayo sa loob para kumain at makapagpahinga na rin kayo.”, saad ng ina ni Nahli.

Tumango si Nahli bilang tugon sa ina. Nauna na rin itong pumasok sa loob ng mansiyon kasama ang ama ni Kendric.

Pumihit paalis si Kendric. Sa tingin niya ay tutungo ito sa kwadra upang pagpahingahin ang kabayo na kanilang ginamit. Walang pakundangan at patakbong sinundan ni Nahli ang binata.

Naabutan niya itong ipinapasok ang kabayo sa silid nito. Nang pumihit paharap sa kanya ay ang walang emosyon nitong mukha ang bumungad sa kanya. Lumapit siya sa kinatatayuan nito.

“Why are you being so cold? Maayos naman tayo kanina. Why a sudden changed?”, deretsong nakatingin sa mga mata ng binata habang sinasabi ang mga iyon.

Illicit LoveWhere stories live. Discover now