Kabanata 5

239 5 0
                                    


Enjoy reading!

"Kuya, sige na. Saglit lang naman ako roon." Pagmamakaawa ko habang sinusundan siya papunta sa kusina. Wala kaming pasok dahil sabado kaya dalawa na lang kami ang naiwan dito sa bahay.

"Mamaya na kapag sinipag na ako mag drive." Sagot niya at kumuha ng baso at nilagyan iyon ng malamig na tubig galing sa ref. Ngumuso ako.

"Paano kung hindi ka sipagin?" Tanong ko. Agad niyang tinapos ang pag-inom ng tubig at humarap sa akin.

"E 'di hindi tayo aalis." Simpleng sagot niya at pumunta sa lababo upang hugasan ang basong ginamit niya.

"Kuya, please?" Pagmamakaawa ko ngunit parang wala siyang pakialam. Kuya ko ba talaga ang lalaking 'to?

Kanina pa ako nagmamakaawa ngunit parang hindi man lang siya naaawa sa akin. Gusto ko lang naman bumili ng bagong libro sa book store. May naipon naman akong pera pangbili ngunit ayaw niya akong samahan. Ayaw rin niya naman akong bumiyahe mag-isa dahil siguradong malalagot siya sa mama at papa namin.

"Hi." Sabay kaming napatingin sa nagsalita at mukha ni Jack Jendrick ang nakita ko.

"Paano ka nakapasok? Siguro dati kang magnanakaw?" Gulat na sabi ni Kuya Edward na ikinatawa niya.

"Bukas ang gate at pinto ng bahay niyo." Sagot niya habang nakangiti at pagkaraan ay tumingin siya sa akin.

"Bakit naka busangot 'tong kapatid ko? Anong ginawa mo?" Tanong niya at lumapit sa akin kaya napaayos ako ng tayo. Umakbay siya sa akin at pinanggigigilan na naman ang pisngi ko.

"Wala akong ginagawa r'yan. Bibili kasi ng libro 'yan sa book store at sasamahan ko raw kaso tinatamad pa ako." Paliwanag ni kuya.

Tumingin naman siya sa akin at yumuko upang mag pantay kaming dalawa at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Kaya malaya kong tinitingnan ang guwapo niyang mukha.

"Gusto mo ba samahan na lang kita? Iwan natin kuya mo rito." Aniya at ngumiti kaya napangiti na rin ako at tumango. Muli siyang umayos ng tayo.

"Mauubos pera mo sa maliit na 'yan. Sige na, umalis na kayo matutulog pa ako. Umuwi kayo nang maaga." Sabi ni Kuya Edward at umalis ng kusina kaya naiwan kaming dalawa.

"Magbihis ka na. Hintayin kita rito sa sala." Sabi niya at sabay kaming umalis ng kusina at napaiwan siya sa sala habang patakbo akong pumunta sa kuwarto ko upang magbihis.

Ilang minuto rin akong nagtagal sa kuwarto upang magbihis at pagkaraan ay tumingin muna ako sa salamin bago lumabas. Pagbaba ko ng hagdan ay naroon pa rin si Jack Jendrick at nakaupo habang hinihintay ako. Tumingin siya sa akin nang bumaba ako ng hagdan.

"Let's go?" Tanong niya at tumayo. Tumango at ngumiti ako sa kaniya. Nauna akong naglakad habang nakasunod siya sa akin palabas ng bahay. At paglabas namin ng gate ay naroon ang kotse niya.

Akmang bubuksan ko na sana iyon nang maunahan niya ako. Napatingin ako sa kaniya dahil sa gulat ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay kaya agad na akong pumasok sa front seat.

"Thank you." Mahina kong sabi. Ngumiti lang siya at isinara na ang pinto. Pagkaraan ay umikot siya at sumakay sa driver's seat. Lihim akong napangiti dahil first time kong lumabas kasama siya.

Halos kalahating oras lang naman ang biyahe patungo sa malapit na book store rito sa amin. At tuwing hapon lang naman ang traffic at siguradong aabutin ka nang isang oras sa tagal.

"Nag tanghalian ka ba kanina?" Biglang tanong niya habang bumabiyahe kami.

"Oo." Sagot ko. Hindi na rin siya muli pang nagtanong.

Be My Endgame Where stories live. Discover now