Kabanata 12

199 4 0
                                    


Enjoy reading!

Puno na ako ng pawis nang makabalik na kami sa Gymnasium. At ang mas ikinainis ko pa ay naririnig ko ang pagtatawanan ni Jack Jendrick at Chelzey sa likod ko.

Para tuloy akong kawawang bata rito na naliligaw kahit nasa tabi ko naman ang mga kakilala ko. Bakit pa kasi ako isinama rito?

"Naririnig mo 'yan?" Biglang bulong ni Caila nang lumapit siya sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Masakit sa pandinig, hindi ba?" Panunuya niya at ang tinutukoy ay ang pagtatawanan ni Jack Jendrick at Chelzey.

"Tumahimik ka nga. Bumalik ka na roon kay Kuya." Pagtataboy ko sa kaniya. Mas okay ng mag-isa ako rito. Mas lalo lang akong naiinis kapag nakikita ko silang apat.

"Ingatan ang puso. Bye." Sabi niya bago umalis sa tabi ko.

Nang makabalik na ang lahat sa Gymnasium ay may kaonting program pang naganap upang ibigay ang premyo ng mga nanalo sa fun run. May mga panauhin din na nagsalita at naiinip na ako dahil bukod sa pagod ay basang basa na ako sa pawis.

May nakikita rin akong kumakain at halatang mga gutom kaya napalunok din ako dahil biglang tumunog ang aking tiyan. Kaonti lang ang kinain ko kaninang umaga at tumakbo pa ako kaya wala rin.

"Gusto mo?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita at nag-alok ng burger sa tabi ko. Siya iyong lalaki kanina na nagtanong kay Jack Jendrick kung kapatid daw ba ako. Kung sinuswerte ka nga naman!

Gusto ko sanang tumanggi ngunit naaamoy ko ang alok niyang pagkain na mas nagpagutom sa akin.

"S-salamat." Nauutal kong sabi at tinanggap ang bigay niyang burger.

"You're welcome. I'm Jesther and you are?" Tanong niya at inilahad ang kaniyang kamay.

"Kiera." Sagot ko at tinanggap ang pakikipag kamay niya. Ayaw pa niyang bitiwan iyon kaya ako na ang unang bumitiw.

"Sorry." Nahihiya niyang sabi at napakamot sa ulo niya.

Agad kong kinain ang bigay niyang burger. Ngunit napansin kong hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko kaya tumingin ako muli sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Masarap?" Tanong niya. Tumango lang ako. Talagang masarap 'to dahil gutom ako.

"May kailangan ka ba kay Kiera, Jesther?" Sabay kaming napatingin kay Jack Jendrick nang lumapit siya sa tabi ko at napaayos ako ng tayo nang umakbay siya sa akin.

"Wala naman, Jack. Binigyan ko lang siya ng sobra kong burger." Turan ni Jesther. Tiningnan naman ni Jack Jendrick ang kinakain ko at tumango.

"Thanks." Maikli niyang sabi at hindi pa rin umaalis sa tabi ko.

"Wala 'yon. Sige, balik na ako sa likod. Bye, Kiera." Paalam niya. Abala ako sa pagkain ng burger kaya kumaway na lang ako sa kaniya.

Napansin ko rin ang paglapit ni Kuya Edward sa amin at kunot noong nakatingin sa paubos ng burger na kinakain ko.

"Saan galing 'yan?" Kunot noo niyang tanong. Nakita ko naman si Caila na may panunuyang ngiti habang nakatingin sa amin ni Jack Jendrick.

"Bigay ni Jesther. Liligawan pa yata 'tong si Kiera." Sumbong ni Jack Jendrick kaya napatingin ako sa kaniya nang may pagtataka. Binigyan lang ng pagkain ay liligawan na agad? Binigyan niya rin naman ako ng milkshake pero bakit hindi niya ako niligawan?

"Hindi 'yan makakalusot sa ating dalawa." Mayabang na sabi ni Kuya Edward na ikinatawa ni Jack Jendrick.

Nang matapos ang program ay kaniya-kaniya ng alisan sa Gymnasium upang magbihis at ganoon din ang ginawa namin.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon