Kabanata 15

191 6 0
                                    


Enjoy reading!

Abala ang lahat sa labas habang inaayusan naman ako ng kinuha ni mama na mag-aayos sa akin. Simula sa pag-aayos ng aking buhok hanggang sa pagsuot ng gown ay tinulungan nila ako. Alas siyete ng gabi ang simula ng party at ilang minuto na lang ay magsisimula na. Nang sumilip ako sa bintana ng kuwarto ko ay halos marami ng tao sa labas. Masiyado na ring maingay dahil sa malakas na tugtog.

"Suotin mo na 'tong gown, madame." Sabi ng isang bakla na nag-ayos sa akin. Kinuha ng kasama niyang babae ang susuotin kong gown at agad naman siyang lumabas ng kuwarto kaya naiwan kami ng babae sa loob.

Inalalayan niya ako sa pagsuot hanggang sa pagsara ng zipper sa likod. Nang matapos ay agad akong pumunta sa harap ng malaking salamin sa aking kuwarto at tiningnan ang sarili ko roon.

Hanggang ngayon ay nagagandahan pa rin ako sa kulay ng pinili kong gown.

"Miss Kiera, suotin mo na ito." Sabi ng babae at inilapag sa sahig ang susuotin kong heels. Hindi naman ganoon kataas iyon ngunit hindi ako sanay.

Hanggang sa pagsuot ay tinulungan niya ako at inalalayan sa pagtayo dahil alam niyang hindi ako sanay.

"Kaya ba, Miss Kiera?" Tanong niya habang nakahawak ako sa braso niya. Tumango ako at dahan dahang naglakad upang sanayin ang sarili ko.

Nakailang lakad pa ang ginawa ko at pagkaraan ay medyo nasanay na rin. Masakit nga lang sa paa.

Huminto ako sa paglalakad nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok doon si Mama, Papa at si Kuya Edward. Halata sa mga mukha nila ang paghanga nang makita ako.

"You're so pretty, anak." Nakangiting sabi ni Mama at nilapitan ako.

"Mabuti na lang at gumamit ka ng heels. Medyo tumangkad ka." Pang-aasar naman ni Kuya Edward kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hinampas naman siya ni Mama sa braso.

"Tumigil ka nga, Edward. Birthday ng kapatid mo kaya huwag mong asarin." Saway ni Mama.

"Teka, picture muna tayo. Puwede mo ba kaming kuhanan ng litrato?" Sabi ni Papa sa babaeng tumulong sa akin. Tumango naman siya at inabot ang selpon ni Papa.

Lumapit silang tatlo sa akin at ako ang nasa gitna habang nasa magkabilaang gilid ko si Mama at Papa at nasa likuran ko naman si Kuya Edward. Nakailang picture pa kami at meron pang ako lang mag-isa.

"Edward, ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Alalayan mo sa may hagdan." Paalam ni Mama bago sila lumabas ng kuwarto ko. Lumabas na rin ang babaeng tumulong sa akin kanina kaya naiwan kaming dalawa ni Kuya Edward. Siya ang magiging escort ko ngayong gabi at siya rin ang magiging last dance ko mamaya.

"Ready, Ki?" Nakangiti niyang tanong at inilahad ang isang kamay niya sa akin. Huminga ako nang malalim bago inabot ang kamay niya.

Inalalayan niya ako sa paglalakad at siya na rin ang nagbukas ng pinto ng kuwarto ko. Hanggang sa pagbaba ng hagdan ay nakaalalay siya. Sweet naman 'tong kuya ko pero madalas ay mapang asar lang talaga siya.

Naririnig na namin na nagsasalita ang host sa labas. At nang banggitin na ang pangalan ko ay biglang bumukas nag pinto kaya agad na kaming naglakad ni Kuya Edward palabas habang nakahawak ako sa braso niya. Masiyadong maraming tao at lahat sila ay nagpapalakpak at nakatingin sa amin.

Hinatid ako ni Kuya Edward sa nakahandang upuan para sa akin at pagkaraan ay umalis na rin siya.

Nang kumaway si Jasmin at Mojica ay agad akong napangiti. Kasama nila roon si Lennox. At mas lalo pa akong natuwa nang makita ko sa lamesa nila si Jack Jendrick na nakatingin din sa akin at nakangiti.

Be My Endgame Where stories live. Discover now