Kabanata 27

254 6 1
                                    


Enjoy reading!

Pagkatapos nang umagahang iyon ay lumabas ako ng bahay upang tumambay sa dalampasigan. Kalmado ang dagat at tanging maririnig lamang ay ang tunog ng mga ibon sa paligid.

Umupo ako sa buhangin habang nakatanaw sa malayo.

"Mukhang malalim 'yang iniisip mo." Napalingon ako at mukha ni Kuya Edward ang nakita ko. Agad siyang umupo sa aking tabi.

"Kumusta naman kayo ni Jack dito kagabi?" Tanong niya muli.

"Okay naman po. Nag celebrate lang kami ng birthday niya kasi wala kayo." Turan ko na ikinatawa niya.

"Pasensiya na. Alangan naman iwanan namin si Baste na may lagnat pa. Iniwan nga lang namin kila Mama iyon ngayon dahil nawala na rin naman ang lagnat niya." Sagot niya.

"Pero sana ay hindi niyo na sinama 'yong babaeng 'yon." Pabulong kong sabi. Narinig kong tumawa si Kuya Edward.

"I heard it, Ki." Natatawang sabi ni Kuya.

"Pero kasi, kaibigan din namin siya ni Jack. Huwag mo sabihing nagseselos ka kay Chelzey?" Nakangiti niyang sabi.

"H-hindi. Bakit naman ako magseselos sa mukhang 'yon." Pagtanggi ko na ikinatawa niya.

"Ibig sabihin ba ay may gusto ka pa rin kay Jack?" Tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kaniyang mukha.

"W-wala." Maikli kong sagot.

"E 'di okay lang kung liligawan ni Jack si Chelzey?" Tanong niya kaya agad na kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. Bakit liligawan ni Jack Jendrick ang babaeng iyon? Paano 'yong mga sinabi niya kagabi sa akin? Wala lang 'yon?

"Pake ko sa kanila?" Masungit kong sabi na ikinatawa muli ni Kuya Edward.

Matagal din kaming nakaupo ni Kuya Edward sa buhangin at matagal din ang naging kuwentuhan naming dalawa.

Minsan lang kami mag-usap nang ganito at nagpapasalamat ako dahil meron akong Kuya Edward na puwede kong makausap.

Kahit papaano ay naging maayos rin naman ang araw ko. Talagang sinusubok lang ni Chelzey ang pasensiya ko.

"Do you want ice cream?" Napatingin ako sa aking tabi nang magsalita roon si Jack Jendrick at kay hawak na baso na may lamang ice cream. Katatapos lang namin kumain ng tanghalian at nang matapos akong kumain kanina ay agad akong lumabas ng bahay upang magpahangin.

"Busog pa ako e. Pero salamat." Sagot ko at agad na umiwas ng tingin. Ngunit nagulat ako nang umupo siya sa aking tabi habang kinakain ang inaalok niya kaninang ice cream.

"Iniiwasan mo ba ako, Ki?" Biglang tanong niya kaya agad akong napatingin sa kaniya. Ngunit agad ko ring binawi ang tingin ko dahil sa titig niya.

"H-hindi. Bakit naman kita iiwasan," Pagsisinungaling ko.

"Baka kasi wala ka talagang gusto sa 'kin tapos ang kulit ko na pala sa 'yo. Just tell me if sumusobra na ako, Ki. I will stop." Wika niya.

"H-hindi naman. Hindi naman ako umiiwas sa 'yo. Binibigyan ko lang kayo ng time na magkakaibigan." Turan ko.

"But I need your time too, Ki. I want to be with you always." Sagot niya at muntik na akong mahulog sa upuan dahil sa paglayo ko sa kaniya.

"Careful." Sabi niya habang hawak ang kabila kong kamay.

"Bumalik ka na roon. Baka makita pa tayo rito na magkasama." Pagtataboy ko sa kaniya. Agad namang kumunot ang kaniyang noo.

"What's the problem if I'm with you? Palagi naman tayong magkasama." Turan niya.

Be My Endgame Where stories live. Discover now