Kabanata 9

187 5 0
                                    


Enjoy reading!

Kanina pa ako paiba iba ng puwesto ngunit hindi pa rin ako makatulog. Sanay na rin naman ako sa ganito sa tuwing natutulog ako sa ibang bahay.

"Can't sleep?" Napaangat ako ng ulo at tiningnan si Caila na nagsalita. Ang akala ko ay kanina pa siya tulog.

"P-pasensiya na nagising ba kita?" Nag-aalala kong tanong. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Hindi pa naman ako tulog. Sanay ako sa puyatan dahil sa trabaho ko kaya normal na sa akin ang gising pa nang ganitong oras." Turan niya.

"Ano bang trabaho mo?" Tanong ko.

"Night shift ako sa isang company kung saan gumagawa ng sasakyan." Sagot niya.

"Hindi ka na nag-aaral?" Tanong ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago nagsalita. "Hindi na. Hindi ako nakapag college dahil wala akong pera upang paaralin ang sarili ko."

Ibig sabihin first year college rin sana siya katulad ni Jack Jendrick at ni Kuya Edward kung nagpatuloy siya sa pag-aaral.

"M-matagal na ba kayong magkakilala ni Jendrick?" Pag-iiba ko ng tanong. Hindi siya kaagad nakapagsalita sa tanong ko.

"Jendrick? Bakit hindi mo siya tinatawag na kuya?" Tanong niya.

"H-hindi ako sanay na tawagin siyang kuya. At saka okay lang naman ea kaniya dahil magmumukha raw siyang matanda kapag tinatawag ko siyang kuya." Paliwanag ko na ikinatawa niya.

"We're childhood best friend. Taga rito sila sa Batangas noon at lumipat lang ng Cavite noong high school na si Jack. Pero minsan ay dumadalaw rin naman sila rito." Pagkukuwento niya.

"Sa tuwing wala kaming klase noon ay pumupunta ako sa bahay nila upang maglaro. Minsan ay nililibre niya rin ako sa ng ice cream kapag uwian na namin." Dugtong pa niya.

"Nagkaroon na ba siya ng girlfriend?" Tanong ko.

"Wala. Mukhang wala siyang balak na magkaroon ng girlfriend. Busy siya palagi sa school." Sagot niya. Totoo nga ang sinabi ni Jack Jendrick kanina na wala talaga siyang balak magkaroon ng girlfriend na ikinangiti ko. Mas okay na 'yon na wala siyang girlfriend.

"Kung ano man ang nararamdaman mo para sa kaniya ay mas mabuti pang itigil mo na 'yan, Kiera." Napalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Caila at napaangat ako ng ulo dahil sa gulat.

"A-anong pinagsasabi mo?" Nauutal kong tanong sa kaniya. Tumingin siya sa akin.

"Kahit hindi mo sabihin ay alam kong may gusto ka sa kaibigan ko. Babae rin ako, Kiera." Turan niya. Paano kung sasabihin niya kay Jack Jendrick? Ayokong masira ang pagiging mag kapatid namin ni Jack Jendrick!

"C-crush lang naman. Happy crush lang gano'n." Mabilis kong sabi at narinig ko ang pagtawa niya.

"Mahirap magkagusto kay Jack. Halos lahat ng kakilala kong nagkagusto sa kaniya ay umuwing luhaan." Sabi niya. Mas lalo akong nalungkot sa sinabi niyang iyon. Isa na rin ba ako sa uuwing luhaan?

"H-happy crush lang 'tong akin. Huwag kang mag-alala hindi naman ako aamin. Marami naman akong crush kaya okay lang." Sagot ko.

"Bata ka pa nga, Kiera. Marami ka pang makikilala na mas deserve mo." Sabi niya at umayos ng higa. Nakita kong ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hindi na muli pang nagsalita.

Umayos na rin ako ng higa at niyakap ang unan sa tabi ko. Tumalikod ako kay Caila. Kailangan ko na yatang umiwas hanggat maaga pa. Kailangan kong isalba ang sarili ko hanggat kaya ko pa.

Be My Endgame Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon