Chapter 1

10 2 4
                                    

"Ang galing mo talaga!"

Pagpupuri sa akin ng kaibigan kong si Victoria habang nangingiting nakatingin sa akin. Napatingin din ako sa kanya.

Siya ang taong alam kong pinagpala nang lubos. Maganda, mabait, matalino, mayaman, sweet at supportive. Saan ka pa? She also have a supportive family.

Lumapit ako sa kanya.

"Nabulol nga ako habang nagrereport." Paismid na saad ko.

"At least you did it. I never expected na may quotes sa panghuli. You made our professor cry," she said.

Nagreport kasi ako ng documentary. It's about a rich woman who happened to have a traumatic past and killed someone in the past in order to be rich and successful.

Pagkatapos ng report ko kanina ay nagring na ang bell dahilan para umalis ang mga kaklase ko. Kaunti na lang kami ang nandito.

"Asha, galing mo. Libre mo kaya ako." Ngiting sabi ni Xerxes habang nakaupo.

Magkatabi kaming tatlo. Tatlo kasi ang chair sa bawat table. Sa gitna ako, sa gilid ang dalawa. Maganda ang table dahil may drawer at hindi naman kami nagsisiksikan.

"Ikaw nga dapat ang maglibre. 'Yong binake 'nyo pala, saan na?" tanong ko.

Tumayo na rin sila at kinuha ang kaniya kaniyang bag.

"Naubos," sabi niya at nakangiting nagpeace sign. Inaayos niya ang strap ng bag.

"Sabi mo bibigyan mo ako," pagrereklamo ko. Kinuha ko na rin ang canvas bag ko dahil ilalagay ko na roon ang iba ko pang mga gamit na nakakalat sa mesa namin.

Mahilig mag-bake si Xerxes. Sa katunayan ay may business sila na bakery. Masarap naman 'yon. Sabi niya ay namana niya iyon sa nanay niya.

"Bukas," ani niya sabay taas sa kamay na wari'y nangangako.

"Tse." Irap ko rito at sinuot na ang canvas bag ko.

Tumayo na kami ay naglakad na palabas sa room.

"Daan tayo sa art exhibit," ani ni Victoria kaya napaharap ako sa kaniya.

"May art exhibit na?" kuryoso kong tanong. "Two months palang ang klase, ah," dugtong ko pa.

Two months palang nga. After 5 months pa ng pasukan ang art exhibit dito.

"Yeah, it's sponsored by my dad's company," sabi niya.

Kaya naman pala. Ang yaman talaga nila.

"Saan? Ba't 'di ko nakita kanina?" tanong ko ulit hanggang sa nakarating kami sa bandang bulletin board.

Napatinggin ako sa bulletin board. Ang dami ng announcements. Sa rami nito at hindi na ako updated.

"I think they're in the visual room."

Umihip ang malakas na hangin kaya natanggal ang clip ng buhok ko na siyang nagwagwag sa buhok ko. Kaya huminto muna kami at inipit nang maayos ang buhok ko.

"I hope it won't rain." Tumingin si Victoria sa langit at sumunod akong napatingin doon.

Makulimlim na. Nagpapahiwatig na malapit nang umulan.

"Tara, sa visual room na tayo," sabi ni Xerxes kaya naglakad na kami papuntang visual room.

Hindi pa man kami nakakarating sa art exhibit ay napahinto na ako. Bakit andito siya? Oo nga pala. Mahilig siya sa art.

"Hindi na muna ako tutuloy. Hanggang dito na lang ako," ani ko sabay tigil sa paglalakad.

Napatigil din sila at tumingin sa akin.

Jubilant December (Twelve Tales of Passion #12)Where stories live. Discover now