Chapter 4

3 1 0
                                    

"Lalakad ba tayo or sasakay?"

Hawak hawak ko ngayon ang receipt ng binili ko sa convenience store. Palabas na kami rito at nagtatanong si Allen kung lalakad o sasakay kami.

"Ikaw bahala," sagot ko sa kan'ya.

Siya naman ang may hawak sa pinamili ko. Hindi naman siya karamihan. Sakto lang din pero sabi niya siya nalang daw ang dadala kaya... ayon.

"Okay ka lang ba talaga?" he asked.

Mukhang bang hindi? Hindi naman talaga.

I responded by nodding to Allen. I'll be fine; it'll just take some time.

Hindi na muling nagtanong si Allen hanggang sa nakalabas kami. Nagpagdesisyonan na sasakay nalang kami ng tricycle. Mostly, kasi tricycle rito. 'Yong jeep naman sa may terminal station.

Malayo pa kasi ang terminal station. Kaya tricycle nalang kami. Nagsakay na kami sa tricycle nang may huminto sa harap namin.

"Ay, iha. Ikaw pala iyan," sabi ng matanda nang makaupo kami.

Napatingin naman ako sa kan'ya at ngumiti. "Hi po, lo."

Si Lolo Kip. Ngayon ko ulit siya nakita't nakasalubong.

"Doon pa rin ang bahay niyo, iha?" tanong niya habang may pinadyak sa kaniyang motor.

Matanda na siya pero kumakayod pa rin siya para sa pamilya niya. Nakaka-inspire.

"Opo," sagot ko naman.

"Hindi ka na sumasakay, iha."

"Nagtitipid po ako, lo."

"Pwede ka naman sumakay kahit walang bayad. Kumpare ko naman tatay mo, iha." Ngumiti si lolo.

"Nakakahiya po," tugon ko.

"Ay shanga pa pala. Boyfriend mo ba ang kasama mo?" tanong ni lolo kaya napatingin ako kay lolo ng may gulat sa sinabi.

Tumingin ako kay Allen at nakita ko ang gulat sa kanyang mata. Binalik ko ang tingin ko kay lolo.

"Po? Boyfriend? Hindi po. Kaibigan lang po," wika ko ng tuloy tuloy. Sino ba naman hindi magugulat? Ito talaga si lolo.

Dati rin inakala niya na boyfriend ko si Xerxes. Dahil nakasabay ko siya at medyo close kami, nagaasaran pa sa loob.

"Ah, sige iha. Kung ayaw mong aminin —"

"Hindi po, lo. Kaibigan ko lang po siya." Hindi ko siya pinatapos. Nagsalita na ako agad.

Nakita kong ngumisi si lolo. Parang nangaasar. "Eh, ikaw, iho? Kaibigan lang ba?"

Binaling ni lolo ang tingin niya kay Allen kaya maging ako ay napatingin kay Allen. Nakita kung tumingin sa akin si Allen bago may sinabi kay lolo.

"Hindi po, lo. Gusto ko nga po siya," wika ni Allen. Napalingon ako sa kanya sa gulat.

Gusto? Nagbibiro na naman ba siya? Hay, naku.

"Joke lang." Tumawa si Allen bago ako siniko. "Ito naman 'di mabiro."

Sinamaan ko nalang ito ng tingin. Pa'no nalang kung sineryoso ito ni lolo. Baka masabi niya pa sa magulang ko. Lagot talaga ako.

"Mga kabataan nga naman." Napatawa na lamang si lolo.

Tumawa naman ako na tila nahihiya.

" Saan ka nga pala iho?" tanong ni lolo kay Allen.

Hindi ko rin alam kung saan nakatira si Allen. Saan nga ba siya? 'Pag sabay sabay kami naglalakad. Kahit saan siya nag-sa-stop. Minsan sa kanto, sa tindahan, sa store and kung saan saan pa.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Aug 28, 2023 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Jubilant December (Twelve Tales of Passion #12)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora