Chapter 2

9 2 7
                                    

"Ano i-re-reply ko?" tanong ko sa aking sarili, habang hindi mapakali.

Hindi ko muna pinindot ang message. Bakit ba ako kinakabahan? Ini-stalk ko lang naman siya. Walang mali roon. Wala naman akong masamang ginagawa.

Ha? Anong pinagsasabi ko?

Inayos ko ang pag-upo ko, nasa kwarto ako at nag-iisip ng i-ta-type.

Pwede namang 'Sorry, napindot.' Pero paano napindot? Iisipin niya pa rin na ni-stalk ko siya. Pero totoo rin naman na ini-stalk ko siya.

Ang gulo ko naman.

Ano nalang kaya, 'Ni-stalk kita kasi na-curious ako.'

Eh, kilala ko naman siya so... hindi rin. Hay, bahala na. Iyon na lang.

Jaiyana Asha Maia A. Cadieux:
Ni-stalk kita kasi na-curious ako.

Dill Waylen O. Kemp:
How's stalking?

Jaiyana Asha Maia A. Cadieux:
Iba ang iniisip mo. Hindi kita pinagnanasaan.

Dill Waylen O. Kemp:
I didn't even think of it.

Jaiyana Asha Maia A. Cadieux:
Okay.

Nangaasar ba siya? Eh, ano naman? Bahala siya, hindi ko siya i-co-confirm.

Nilapag ko ang phone ko sa desk table ko, at sinimulan ko na ang paggawa ng research. Buti na lang at hindi ako ang leader ng research namin ngayon. Kung ako lang ang na-leader ay wala na talaga akong tulog buong linggo.

Okay lang naman maging leader, pero ang pressure ay nasa iyo, lalo na kapag may ka-grupo ka na hindi nagawa ang part niya, tapos sasabihin lang na wala siyang nagawa kapag malapit na ang deadline. Sinong matutuwa? Malamang, wala talaga.

All students should be responsible. Just because they're not the leader, e, tamang tunganga na lang sila. Kapag may problema, sabihin agad. Para walang dagdag na iisipin ang grupo pagkatapos.

Late na nang natapos ko ang part ko. Madali lang naman ang part ko sa research kaya hindi na ako gaanong nahirapan. Kaso nga lang medyo nagkaproblema ako sa pag-iisip ng ilalagay na ideas.

Hindi ako makatulog kaya kinuha ko ang phone ko. Nakita ko sa messenger na nag-chat si Dill. Binuksan ko ito kaagad. Sa pagbukas ko noon ay unsent message agad ang nakita ko.

Jaiyana Asha Maia A. Cadieux:
Ano 'yon?

Dill Waylen O. Kemp:
It's not important. Why are you still awake?

Jaiyana Asha Maia A. Cadieux:
Kakatapos ko lang sa research namin. Ikaw ba?

Dill Waylen O. Kemp:
I'm thinking of you.

Jaiyana Asha Maia A. Cadieux:
?

Ano bang pinagsasabi niya?! Ano ba tong si Dill?? Kung ano-anong pinagsasabi!

Dill Waylen O. Kemp:
I'm thinking if should I give the necklace to you or not.

Sa pag-text niya ay napatigil ako. Napagtanto ko ang necklace ko. Kung kaya hinawakan ko ang leeg ko.

Nawawala ang necklace ko. Hindi pwede. Importante 'yon sa akin!

Jaiyana Asha Maia A. Cadieux:
Isauli mo, please. Importante 'yon sa akin.

Dill Waylen O. Kemp:
Okay. About the thing that, I unsent. It's you.

Jaiyana Asha Maia A. Cadieux:
Anong ako?

Jubilant December (Twelve Tales of Passion #12)Where stories live. Discover now