Prologue

89 12 17
                                    

"Asha, I like you."

Napaharap ako kay Dill. Anong sabi niya? Gusto niya ako? Tama ba ako ng pagkakarinig?

"Anong sabi mo?" tanong ko sa kaniya, nagtataka dahil hindi ko alam kung iyon ba ang narinig ko o gawa-gawa lang ng utak ko.

Papaalis na ako at akmang lalapit na sa pintuan ng silid namin nang may sinabi si Dill. Napahinto ako at napatingin sa kaniyang pwesto.

"I like you, Asha. Why are you avoiding me?" he said with a mournful expression evident in his eyes. He stepped closer to me, closing the gap between us.

Napahinto ako nang maramdaman kong tumibok nang malakas ang puso ko. Napagtanto kong tama ang mga sinabi niya. Tama nga ang pagkakarinig ko. Gusto nga ako ni Dill.

Hindi pwede...

"Dill, hindi mo ako pwedeng magustuhan."

Pinipigilan ko ang nararamdaman ko sa kanya tapos ganito lang ang gagawin niya? Bakit ba ang hirap hirap palagi ng sitwasyon ko? Tanong ko sa sarili.

Sorry, Dill. Gusto ko mang gustohin ka pero...

"What are you saying? What do you mean I should not like you, Asha?" he said as I saw his eyebrows meet each other and his eyes full of confusion, puzzled as to what I have meant.

Siya ang naka-assign na magsara sa room kaya napatagal ang uwi niya. Kami nalang din ang tao sa room dahil uwian na kaya abot langit ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

Hindi niya ako pwedeng magustuhan. Ayoko. Hindi pa okay. Ginawa ko ang lahat para pigilan ang nararamdaman ko para sa kaniya tapos aamin siya? Kaya biglang lumitaw ang mga tanong sa isip ko. Magiging masaya ba ako dahil gusto niya rin ako? O malulungkot dahil mas mahihirapan ako na iwasan siya?

Hindi ko alam ang isasagot sa sarili kong mga tanong.

"I mean, hindi kita gusto Dill." pagbawi ko sa sinabi. Naguguluhan na rin ako sa mga salitang lumalabas sa labi ko.

"Okay... I guess it's a bad confession. You're ignoring me because you don't like me? Asha, is that what you're trying to say?" He questioned. His gaze fixed on mine, as if gaining my full attention. They were full of love that are obviously for me.

"Hindi naman kita iniiwasan ah. Bakit mo ba iniisip 'yan?" Tiningnan ko siya sa mga mata habang sinasabi ang mga kataga iyon.

Okay lang naman na magsinungaling 'di ba? Lagi naman akong nagsisinungaling.

"Stop lying, Asha. Forget that I like you. Let's be close again. Let's eat lunch together again. And smile with me... Again," he murmured, anxiously looking at me.

Kitang kita ko sa mga mata niya na parang nahihirapan siya. Natutulog pa ba siya nang maayos? Ngayon ko lang ulit siya nakita nang matagalan sa mukha niya.

"Marami lang talaga akong ginagawa ngayon. Hindi na rin ako maka-lunch kasi nagtitipid ako. At umuuwi na ako nang maaga dahil may ginagawa pa ako sa bahay." mahabang litanya ko para makapag-explain sa kaniya.

"I'll pay for your lunch. I'll pay for everything, come with me again." he offered, persuading me in the process. He seems to be willing to give up everything. Giving up everything just to be with me. Is this true? Or am I imagining things? I ask to myself.

What if Dill will also hurt me one day?
What if Dill will also break my heart after years of healing it? The sudden flood of 'what ifs' drowning my mind with worry and fear. Fear of another heartbreak. Fear to be hurt again. Fear of everything.

Matagal na panahong nagpagaling 'tong puso ko. Bata pa ako noon pero sobra na ang sakit na 'yon para sa akin. Lalo na't pinagkatiwalaan ko nang sobra si Trey.

"Hindi pwede." matatag na saad ko.

Kilala na kita Dill. Kahit mayroon akong trauma, feeling ko ay iba ka sa kaniya. Na para bang ikaw ang dahilan nang paghilom ng puso ko, pati na ang sarili ko.

Pero hindi pwede. Ayoko.

"Why? Bakit hindi pwede, Asha?" tanong niya, naghihintay sa sagot ko.

"Kasi, hindi pwede." Pinal na saad ko at naglakad na palabas. Hindi na hinintay na makapagsalita pa siya ulit.

I felt a strong hand carefully grabbing my arm and the next thing I knew was me being pulled to his wide chest. He then gave me a hug. But I just froze in my toes.

"You don't know how much I have missed you, Asha. Please don't ignore me anymore. Please?" he pleaded. He sounds like he didn't get enough sleep. You can hear that he is exhausted through his voice. This side of Dill makes me want to be more in love with him.

Paano niya nagagawang mapahulog ako sa kaniya, kahit sa simple niyang mga galawan?

Kumalas ako sa yakap niya. It's time to tell him to stop. Nang kumalas ako sa yakap niya ay kitang kita ko ang lungkot sa kaniyang mukha.

"Hindi kita gusto. Kaya please, 'wag mo na akong kulitin o pansinin pa, Dill." I said with finality in my voice.

"Do you really hate me that much? To the point that our friendship collapse?" he asked as emotions show evidently in his eyes.

I don't hate you. In fact, I like you. I like you very much, Dill. You don't know how much I suppress these feelings of mine. But things don't want to agree with my feelings for you. Why are you thinking that I hate you, Dill? Why?

"Oo." I shortly responded. Hiding every little lie that comes out from my mouth.

"Don't you have any feelings for me? Even just a little bit?" he persistently asked. Determined to get an answer.

"Wala." walang emosyon kong sagot.

"Okay. Then I just want to wish you happiness. Because if you're happy, then I'm happy too," he said, his words contradicting his face and actions. His face looked so sad as he said those words, making me feel the same sadness.

Agad akong tumalikod sa kaniya at umalis. Habang naglalakad ay may naramdaman akong butil ng luha na bumagsak mula sa mga mata ko.

Mahal kita pero mas mahal ko ang kapatid ko, Dill.

Jubilant December (Twelve Tales of Passion #12)Where stories live. Discover now