Dampi

157 4 0
                                    

Dampi ng iyong kamay mula sa aking likuran
Lamig ng iyong titig na nakakahalina sa aking pakiramdam
Ngiti mong kailanman hindi ako ang siyang magiging dahilan
Mahal, tititigan ka sa malayo sapagkat iyon na lamang ang natatanging paraan



Sa pagmulat ng aking mga mata ay titig mo ang siyang bumungad
Nagkasalubong ang ating mga tingin ngunit sa kanya ito'y iyong inilipat
Nais ko rin no'n
Nais kong titigan mo ako ng gano'n
Ngunit hanggang nais ko nalang
Dahil hindi naman ako magiging iyon



-sane

Sana Bukas Hindi Na MasakitOn viuen les histories. Descobreix ara