Tabi

69 1 1
                                    

'Di masukat ang saya
Ang araw na iyon ay isang pagtitipon sa paaralan nang makatabi kita
Animo'y nakadikit ako sa kinauupuan dahil sa wakas malapit ka na

Lumakas ang tugtog at nagsitayuan ang lahat
Nilingun ko ang gawi mo ngunit napaatras sa labis na pagkagulat
Nagkasalubong ang ating mga titig
Sandali kang ngumiti
Sa sandaling iyon ay bumalik ang lahat ng pagbabakasakali

Hindi ko na mabilang kung pang-ilan
Pero nagkamali na naman ako
Dahil sa huli ay siya parin ang nasa tabi mo

Sana Bukas Hindi Na MasakitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon