Itatawa na lamang

24 0 0
                                    

Itatawa na lamang ang nararamdamang hiya
Paano'y inakala kong magkakaroon na ng tiyansa
Inisip kong siguro ito na
Ngunit hindi pa pala

Itatawa na lamang ang mga pag-aakalang sasabihin na nang tuluyan ang tunay na nararamdaman
Ngunit muli ay malabo iyon sapagkat sa kanya parin pala mananatili ang iyong puso
Sayang ngunit ganoon talaga sa tuwing inaakala nating pipiliin na tayo

Itatawa na lamang
Ano pa nga ba?
Ang tanging magagawa na lamang ay ibigay ang kayang ibigay
At iiwas ang kailangang iiwas
Sapagkat sa huli ay kung ano ang nais natin ay hindi ang siyang natutupad



—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitDove le storie prendono vita. Scoprilo ora