Siguro

52 3 0
                                    

Unti-unti nang naglalaho
Unti-unti na itong nawawala
Hindi ko alam kung bakit ngunit ang kahapong sabik na puso ay hindi na masaya

Siguro ay napagod?
Sinta, hindi ko alam!
Ngunit ang aking pagtingin sa ginoong ito ay unti-unti nang namamaalam

Siguro ay napapagod din ang minsan ay kinayang gawin ang lahat
May posibilidad palang mawala ang paghangang kailanman ay hindi naging sapat

Siguro ay napagtanto ng puso na ang pag-asa'y malabo nang makita
Siguro ay hindi talaga itinadhana ang langit sa lupa


—sane

Sana Bukas Hindi Na Masakitजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें