Tagahanga

25 0 0
                                    

Ilang pahina pa ba ang kakailanganin
Para perpektong maiguhit ang iyong mukha?
Sa palagay ko'y walang sino man ang sa bagay na iyon ay makakagawa
Dahil kung lubos tutuusin ay walang mayroong kakayahan kahit ang pagsunod man lang sa bawat linya ng iyong ngiti
Kahit ang pinakamagaling na manguguhit sa balat ng lupa ay hindi ka magagawang gayahin

Sapagkat siya lamang—ang diyos
Ang kaya kang buohin nang perpekto
At ako ang magsisilbing tagahanga habang nakatitig sa iyo



—sane.

Sana Bukas Hindi Na MasakitWhere stories live. Discover now