Chapter 7

14.1K 364 32
                                    

Nagising si Paulene na parang inililipad sa alapaap. Kulay rosas ang paligid nya. Nang maalala nya ang mga nangyari kagabi ay napangiti sya ng ubod ng tamis. Wala sa loob na nayakap nya ang unan na katabi. Ganito pala ang pakiramdam ng taong inlove. You have enough reasons to smile.

Wala pa silang malinaw na usapan kagabi ni Rock kung sila na ba dahil mas nag enjoy sila sa landian na hindi na nila nalinaw ang status ng relationship nila pero hindi naman sya ganun ka kiri na makikipaglandian ng wala lang. Para sa kanya sila na. Siguro naman hindi na aarte ang lalaking yun. Ang napaka pogi na lalaking yun.

Nagulat sya ng tumunog ang cellphone nya. Medyo nainis sya dahil pinutol noon ang pagdi day dream nya.

Kinuha nya ang cellphone at tiningnan kung sino ang istorbo na sumira ng pagmo moment nya. Lalong bumangon ang inis nya. Gago kase ang nakalagay na pangalan sa cellphone nya na tumatawag. Hindi naman nya kilala kung sino talaga ang may ari ng number na yun. Nagsimulang tumawag tawag sa kanya ang number na yun a couple of days ago. Tatawag lang tapos pag sinagot nya ay hindi naman nagsasalita. Parang pinakikinggan lang ang boses nya kaya pinapatay nya agad. Ilang beses na nga nyang namura ang mysterious caller na to. At ngayon nga tumatawag na naman. May inis na kinansel nya ang tawag.

Muling nag ring ang cellphone nya. Ikakansel na naman sana nya ng makita nyang nasagot na iyon. Nagtaka sya. Hindi naman naka auto answer ang cellphone nya ah. Sira na ba tong Xperia Z3 nya? Kakukuha nya lang nito ah. Hindi pa nga yata nagdadalawang buwan. Hindi pa nga bayad sira na?

May inis na sinagot nya ang tawag.

"Ikaw na tarantado ka! Bakit ba tawag ka ng tawag hindi ka naman nagsasalita?! Nabu bwisit na talaga ako sayo! Baka akala mo hindi ka nakakaperwisyo? At baka akala mo hindi ko malalaman kung sino ka?! FYI magaling sa technology ang boyfriend ko! Baka gusto mong magbakasyon sa presintong gago ka!" namumula na sa inis si Paulene.

"Ma'am sa networking po ako. Iimbitahan ko po sana kayo sa isang seminar. Maniwala po kayo, ang isang libo nyo lalago ng limang libo sa loob lang ng isang buwan kung mag iinvest kayo." boses babae ang kausap nya. Mala dyosa sa ganda ang boses.

Lalo syang nabwisit. So, ilang araw na syang binubwisit nito dahil lang pala sa networking?

"Miss, kung sino ka man, pasensya na pero wala akong balak bumisita sa seminar ninyo! Kung gusto mo paluwalan mo na muna yung isang libo at tsaka na kita babayaran pag nakuha ko na yung limang libo na sinasabi after a month. Would that sound fair to you?" pagtataray ni Paulene.

"Ang taray mo naman Miss. Sige na pumunta ka na kung hindi ay oras oras kitang kukulitin hangga't hindi ka pumapayag." napaka persistent ng babae sa kabilang linya.

"Sige lang subukan mo at ipapa trace ko talaga yang number mo sa boyfriend ko! Sasampahan kita ng kaso dahil illegal yang ginagawa mo alam mo ba yun? This is supposed to be a private number pero nambu bwisit ka with your unsolicited business promotion and recruitment!" inis na inis ng angil ng dalaga.

"Ok..sorry po sorry. Hindi ko na uulitin. Pero pwede bang malaman kung ano ang pangalan ng boyfriend mo? Gwapo ba?" persistent talaga ang gaga.

Ang gaga mukhang manunungkit pa ng boylet ng may boylet! Ilang sandali na lang talaga magta transform na sya at magiging green na.

"Hoy Miss! Multi-tasking ka din no? Networking kuno pero mukhang lalaki yata ang hinahanap mo! But to answer your question oo gwapo ang boyfriend ko ngayon mawalang galang na po pero talagang umiinit na ang ulo ko!" angil bi Paulene.

Naubo ang nasa kabilang linya. Dinig na dinig nya ng magpalit yung tunog ng pag ubo from sexy voice of a lady to an equally sexy voice of a man...natatawa ang nasa kabilang linya kaya siguro naubo. Nagsalubong ang kilay ni Paulene dahil parang kilala nya ang tawa.

THE CYBER WARRIORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon