Chapter 26

11.7K 332 24
                                    

Hindi napigilan ni Paulene ang sarili. Napaiyak talaga nya ng makita nya ang lalaki na nahagip ng camera kanina sa telebisyon. Hindi nya alam kung saan sya napaiyak. Kung sa paghahalusinasyon ng utak nya dahil ang tingin na naman nya sa lalaki ay kamukha ni Rock o sa pakikipaghalikan nito sa nurse na nasa eroplano. Parang pareho. Nababaliw na yata talaga sya. Nagseselos sya sa babae na nakahalikan ng lalaki na alam naman nya na produkto na naman ng imahinasyon nya.

Kelan ba sya makaka pag move on sa alaala ni Rock?

Biglang pumasok sa kwarto nya ang Mama nya. Niyakap sya nito at doon nya ibinuhos ang sakit ng loob na nararamdaman nya.

"Hija...tama na yan. Makakasama sa baby mo ang labis na sama ng loob." ang ginang na hinahaplos ang likod ni Paulene.

"Ma hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ang sama sama ko bang nanay dahil idinadamay ko pa ang baby ko? Ma ang hirap kase eh. Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako makapag move on sa alaala ni Rock? Hindi pa rin sya nawawala sa alaala ko. Kahit yung lalaking nahagip lang ng camera kanina ang tingin ko sa kanya kamukha ni Rock. Bakit ganun? Pakiramdam ko hindi na yata sya mawawala sa alaala ko at nahihirapan na ako Ma." humihikbi pang turan ni Paulene.

"Cous, hindi ka nag iisa. Kahit kami yun din ang tingin namin dun sa lalaki. Na kamukha sya ni Rock. Kahit ang mga kapatid mo na mukhang followers din ng fan page ni Rock ganun din ang tingin nila. Kahit si Dave cous. Pero hindi ka dapat umasa. Sabi nga saakin ni Dave bago ako pumasok dito, huwag daw kitang paasahin dahil tiyak na masasaktan ka lang. Sadyang may magkakamukha nga daw talaga at hindi doon exception si Rock. Tsaka hindi rin natin sigurado kung talaga ngang eksaktong kamukha nya dahil mabilis lang syang nawala. Hindi na nga nakita nung reporter nung sinundan nya. Sabi ni Dave, ganun daw talaga ang mga agents ng CIA. Hindi pwedeng mabisto ng mga tao dahil under cover sila kung trumabaho." mahinahong paliwanag ni Sandy na nakapasok na rin pala ng kwarto ni Paulene.

"Hindi naman ako umaasa Sandz eh. Alam ko naman na hindi si Rock yun. Patay na sya! Patay na sya! At ang kapal kapal ng mukha nya na hanggang ngayon, matapos nya akong lokohin, ay hindi pa rin ako tinatantanan ng mga alaala nya! Ang bad bad nya!" hinagpis ni Paulene.

Awang awa si Sandy sa pinsan. Wala syang masabi dahil wala rin syang maisip na sabihin na pwedeng makapag pagaan ng nararamdaman ng pinsan nya. Ramdam nya ang matinding paghihirap ni Paulene at nag aalala sya sa kalagayan nito ng baby sa sinapupunan nito. Nakiyakap na lang sya sa mag ina.

Pagkatapos ng dinner ay nagpaalam na ang mag anak na Dave para tumuloy sa Hotel na pag aari ng tito ni Dave na si Judge Edmond. Three days silang magbabakasyon dito sa Cebu at nangako ang mag asawa na dadalaw dalawin si Paulene pag may free silang oras. Bago umalis ay masinsinan pang kinausap ni Sandy si Paulene.

"Cous, stay strong para kay baby. Hindi makakabuti sa kanya kung mananatiling ganyan ang kalagayan mo. Cheer up. Marami kaming nagmamahal sayo. At isa pa malaki na yang tiyan mo. Hindi ka pa ba magli leave sa trabaho? Kahit sa opisina ka lang ay may stress ka pa ring mararanasan doon. Handa naman kaming tumulong ni Dave sa mga gastusin mo eh. Ikaw lang tong tumatanggi. Hindi mo rin naman ginagamit yung perang pinapadala sayo ni Mrs. Lee. Ako ang nahihirapan sayo Pau."

"Sinabi ko na sayo kung bakit hindi ko ginagamit ang perang iyon. Isusuli ko yun. Isa pa, wala silang alam na buntis ako at wala akong balak na ipaalam sa kanila yun! Sige na Cous, gagabihin na kayo. Basta bumalik kayo ulit dito ha?" at hinalikan ni Paulene ang pamangkin.

Langley Virginia, USA.

Pagkatapos maligo ni Jason sa pad nya ay agad na pumunta na sya ng CIA headquarters. Pinagrereport kase agad sya. Hindi rin makakapunta ang dalawa nyang nakasama sa Syria dahil hindi pa gaanong nakakagalaw ang mga ito sa tinamong injuries. Sya nga nakabenda din ang kaliwang kamay pero at least nakakagalaw sya. Hindi kase biro ang naging laban nila. Sila pa ang nasa loob ng kota kaya talagang nasuong sila sa umaatikabong bakbakan bago pa makarating ang reinforcement.

THE CYBER WARRIORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon