Chapter 25

13.3K 305 12
                                    

Two months later.

Na assigned nga sa Syria si Jason kasama ng dalawa pang operatives ng CIA. Ang mission nila ay i-penetrate ang isa sa pinaka malaki at pinaka organisadong grupo ng terorista sa buong mundo. Responsable ang nasabing grupo sa pagpatay sa mga kilalang personahe at pambobomba sa iba't ibang mahahalagang establisemyento ng pamahalaan ng ibat ibang estado kasama na ang America at mga malalaking bansa across Europe and Asia.

Sa higpit at sa masistemang pamamalakad ng organisasyon ay itinuring na iyon na imposibleng mapasok ng operatiba. Marami na ang sumubok na pasukin iyon subalit wala ng nakakabalik na buhay. Bantulot si Jason sa una na pasukin iyon. May balak yata talaga ang ahensya na patayin sya eh. Matapos nyang dumaan sa buwis buhay na mission sa China at matapos na mapakinabangan ng ahensya ang black box na nakuha nya ay biglang sasabihin na test lang ang lahat. Tapos ngayon na unang mission na nya, hindi nya alam kung tuluyan ng ngang maibubuwis ang buhay nya. Ok lang naman sana kung wala pang Paulene sa buhay nya.

Kung ano anong klaseng pamimresyur ang ginawa sa kanya para tanggapin ang misyon na iyon. Sa bandang huli ay wala na syang nagawa.

Kinailangan nilang magpanggap na mga journalists para ma penetrate ang grupo ng terrorista. Sinadya nila ang kota nito at nagkunwaring i-interview-hin ang sinumang pwedeng ma interview sa grupo. Pinahirapan sila at dumaan sa katakot takot na interegosyon upang masiguro ang totoong pakay nila subalit walang napiga sa kanila. Bilib din si Jason sa kasama nyang dalawa. Very convincing ang pag act ng mga ito bilang journalist. Ang kasama nilang isa na lalaki ang nagpanggap na camera man at ang babaeng operative ang nagpanggap na reporter. Samantalang sya ay nagpanggap bilang technician. Dahil na convinced nila ang grupo na legitimate na media men sila, sa bandang huli ay ginawa sila nitong hostages at tagahatid ng balita sa anumang gustong iparating ng grupo sa mga awtoridad at sa buong mundo. Marami na rin palang hostage ang terrorista na nauna na sa kanila. Ibat ibang lahi. Sabi ng ilan, yung iba daw ay na execute na sa ibat ibang kadahilanan. Malamang nasama na doon ang ilang CIA operatives na isinuong ng ahensya.

Ang isang pakay nila ay makuha ang master plan ng terrorista. Doon nakalagay ang listahan ng lahat ng tao na balak patayin ng grupo at lahat ng lugar na target na pasabugin. Kailangang mapasakamay nila iyon dahil kalat na ang grupo. Sa go signal ng pinuno ay aatake ang mga myembro. Sa huli ay plano nilang buwagin ang main na kota ng mga terrorista sa tulong ng mga naka standby lang na mga operatives at naghihintay ng go signal na magmumula sa grupo ni Jason.

Kahit hindi pa napapasakamay nila ang master plan ay ilang plano na rin ng grupo ang na abort at hindi nag tagumpay dahil sa masistemang pagko communicate ni Jason sa ahensya. Pero may mangilan ngilan pa ring nailulusot na pagpapasabog ang grupo. Mabuti na lang at hanggang ngayon hindi pa sila pinagdududahan.

Nasa sulok na lugar ngayon si Jason malayo sa karamihan ng mga hostages.

First time na makakausap nya ngayon ang Director ng CIA sa communication device na gamit niya. Laging si Capt. Ford lang kase ang nakakausap nila. Higit sa anupaman, excited sya na kumustahin ang lagay ni Paulene. Alam nya na alam lahat ng Director ang anuman na bagay na may kinalaman sa asawa nya. Isa sa ipinangako nito sa kanya na pag may chance daw ay ia update sya nito ng tungkol kay Paulene at sa mga sarili nyang mga magulang sa China. Wala syang ibang ma contact para mangumusta dahil well-monitored ang bawat galawan nila. Kahit anong attempt nya ay unsuccessful dahil kontrolado ng ahensya ang satellite na maaring daanan ng komunikasyon na manggagaling sa kanila.

"Hey NOC! How have you been? What's the situation there? Oh, by the way, at this point I'd like to congratulate you and your team for doing great. This agency in cooperation of other forces has intercepted almost all the bombing plans of those assholes! Good job for that! I know we're close to our ultimate goal." mahabang litanya ng Director.

THE CYBER WARRIORWhere stories live. Discover now