Final chapter

33K 657 145
                                    

A day before the wedding, sinundo ni Rock at ni Paulene kasama si Mr.and Mrs. Lee si Mera sa Mactan International airport. Kasama din nila syempre si Glec.

Nang ipaalam kay Mera ni Mrs. Lee na ikakasal muli ang kapatid nito ay agad itong sumang ayon na pumunta ng Pilipinas.

Medyo kinakabahan si Rock and at the same time excited. First time nyang mami meet ang kapatid.

"Babe..excited kang ma meet ang baby sister mo ha? Relax, kuyang kuya ka namang tingnan igagalang ka naman siguro nun." pang aasar ni Paulene sa asawa na mahigpit ang pagkakahawak sa kamay nya habang kalong ng isang kamay nito si Glec.

Palabas pa lang ng arrival area ang isang matangkad na babae na napakaputi at very slim ang pangagatawan ay alam na ni Rock na ito ang kapatid nya.

Naka chanel shades si Mera, naka tube na blouse na kulay black at maong na mini skirt kaya expose ang mahahabang biyas nito na nakakasilaw sa kaputian. Naka leather boots na din ito. Ang kanang kamay nito ay hila ang may katamtamang laki na LV luggage bag. Sukbit naman sa kaliwang balikat ang Hermes bag. Over all, para itong modelo na nabuhay at lumabas mula sa cover ng isa sa mga pinaka sikat na international fashion magazines. Shoulder-length ang buhok nito na kulay chocolate brown at tuwid na tuwid habang inililipad lipad ng hangin. Halos lahat ng taong nakasunod dito lalo na ang mga kalalakihan ay muntik muntikan ng mabangga dahil hindi maalis ang titig sa dalaga na very classy and elegant mula ulo hanggang paa. Pati ang paglalakad nito ay animo'y de numero at parang nasa fashion show kahit na nga ba may hilang luggage bag. Very care-free ito at walang pakialam sa paligid pati na sa mga nakatingin.

Nag init bigla ang ulo ni Rock. Gusto nyang manakit [lol]. Agad nyang ibinigay si Glec kay Mr. Lee at hinubad ang suot na jacket na kita na ang inis sa mukha habang nakatingin sa papalapit na kapatid na all out naman ng smile sa kanila. Animo'y nag eendorso ng toothpaste kung makangiti.

"Babe relax..ano ka ba! Yan na ang usong fashion statement ngayon." bulong ni Paulene sa asawa.

Ni hindi ito sumagot. Hindi na nito hinintay si Mera. Ito na mismo ang nagmamadaling lumapit sa kapatid. Halos magdikit na ang mga kilay ni Rock.

"Bonjour mon frère aîné!" bati ni Mera sa kapatid habang todo ngiti pa rin.

Agad na isinuot ni Rock ang hawak na jacket sa kapatid at paangil na pinagsabihan ito.

"Ako nga tigil tigilan mo sa pagpi french mo Mera Angelu! Wala akong panahon sa kasosyalan mo at hindi pwede dito sa Cebu yang suot mo! Pusang gala! Para ka ng daing sa suot mong yan na nagbibilad ng katawan ah! Nagsuot ka pa ng damit!" nanggigil na si Rock na kinuha ang luggage ng kapatid.

"Gosh! What's wrong with this dress?! Don't tell me that you're that old fashioned?! Have you not been informed that your sister is a fashion and design student?....Frère can you at least slow down please! You walk too fast!" si Mera na napapalakas na ang boses.

"Tigilan mo ko sa kapi frère mong yan Mera Angelu! Nasa Pilipinas ka kaya kuya ang itawag mo saakin, maliwanag? Huwag mong sabihing hindi ka nakakaintindi ng tagalog dahil taga Pilipinas ka rin at Filipina ang kasama mo sa bahay!" angil pa rin ni Rock.

"Fine kuya! But will you please stop calling me by my fullname? It's Marl kuya..Marl..ok?" maarteng turan ni Mera.

"At bakit ka naman naging Marl? Ano ang pangalan mo? Marla? Marlon?! Marlowe? Ano?!"

"Easy...that's short fort Mera Angelu Roman Lee? Cool! isn't it?!" nangingiti pa si Mera.

"Ano ba kayong mga bata kayo! Ngayon pa nga lang kayo nagkita nagbabangangyan na kayo?" si Mrs. Lee.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jan 29, 2018 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

THE CYBER WARRIOROù les histoires vivent. Découvrez maintenant