Chapter 27

14K 361 34
                                    

Hindi na alam ni Paulene kung ano ang gagawin nya. Kinakakabahan syang ewan. Pati yata ang baby sa tiyan ay nagra riot din.

Hindi nya alam kung ano ang pipindutin nya sa laptop nya.

Bigla kaseng bumaha ang comments sa post nyang iyon. Halos lahat yata ng friends nya sa facebook ay parang sabay sabay na nag comment. Wala na nga syang mabasa sa sobrang dami. Ang kaso mas madami pa yatang likes yung nag iisang comment ng fanpage ni Jason sa post kaysa sa mismong post nya. Mabuti na lang at naka private ang account nya. Siguro kung nagkataon na open for public ay baka mas lalong bumaha. Limited sa mga friends nya lang yung wall nya pero dumagsa naman ang message sa inbox nya at ang friend requests hindi na tumigil sa pagpatak.

Tarantang taranta na si Paulene dahil pati yung cellphone nya ay walang tigil sa kaka ring. Mamamatay tapos agad na tutunog ulit. Hindi na nya alam kung ano ang hahawakan. Napapatulala na lang sya.

Tiningnan nya ang cellphone at dinampot iyon. Si Sandy ang tumatawag. Kailangan nya ng mapagtatanungan. Hindi nya gamay ang facebook. Hindi nya alam kung paano mapapatigil ang mga notifications na umuulan. Bumabaha na nga eh.

"Sandz help! Anong gagawin ko dito sa FB ko?! Tingnan mo yung wall ko ang daming ewan!" natatarantang turan ni Paulene.

"Eh cous, kanina pa nga kita tinatawagan eh. Kilala mo ba kung sino ang admin ng fanpage ni Rock? Bakit nag comment sa post mo?? Talagang babahain ka sa notifications. Lagpas 30 million na ang followers nun eh at first time yatang mag comment yun sa isang post. Ni hindi nga daw nagpo post ng status yun." nag aalala si Sandy sa pinsan.

"Cous, hindi ko alam kung sino ang admin nun. Hindi nga ako follower ng page na yun eh." natataranta pa rin si Paulene.

"Filipino ang admin kase tagalog yung comment sa post mo eh. Sa wall ng fanpage mismo, maraming nagtatanong. Iba't ibang nationalities. Kung sino ka daw ba? May mga nagtatanong din kung ano ang nationality ng admin. Wait, ito ha babasahin ko yung isang post sa wall ng fanpage pati na mga comments: Hi admin, I've got the chance to read your comment in a post of a certain lady named Paulene Pedotche. What do you mean by that and what language was that? Who are you admin? What's your nationality? Who is Paulene? Why did you post a comment on her FB status when infact you didn't even bother to post any update/status in your own page? Is Jason really dead? Or was he the one who got caught by CNN's camera in the plane? Please confirm admin. We need to know!"

"Grabe naman! Bakit ba ganyan ang mga yan?! Eh hindi ko nga alam kung sino ang sira ulong admin ng page na yan pero kung makapag react ang mga netizenz akala mo naman isang krimen yung pag post ko! Sino ba kase ang gagong admin na yan na nakikialam ng wall ng may wall?!" medyo hyper na si Paulene. Napalitan ang kaba nya ng init ng ulo. Malamang may mga namba bash na rin sa kanya.

"Baka naman si Marco yan? Di kaya? Mukhang nag seselos sa post mo eh. Baka sya ang nagmi maintain ng page na yun tapos hindi lang sinasabi saatin." si Sandy.

"Malaman ko lang na sya yan naku masasampal ko talaga ang lalaking yan! Ginugulo tuloy ako ng mga walang magawa sa buhay. Para yun lang OA ang mga reaction na akala mo world security ang involved!" si Paulene.

"Wait lang ha? I'll cut this call. Iko confirm ko lang kay Marco kung sya nga ang admin ng fanpage ni Jason. Tatawagan ko sya." si Sandy.

"Teka lang couz, pano ba mag deactivate ng facebook account. Ide deactivate ko na lang yata to dahil nai stress lang ako eh!" - Paulene.

"Hey cous! Take a look! I mean punta ka sa page ni Jason nag post na ng status yung admin."

Dahil na curios at sumunod naman si Paulene at nabasa nya nga ang post ng admin.

THE CYBER WARRIORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon