Nakabusangot akong umupo sa upuan ko dahil ang dalawa kong kaibigan ay inaasar na naman ako sa pinagseselosan kong babae noon sa ex ko. Nakita kasi nila sa canteen. Hindi na kasi ako bumaba today dahil tinatamad ako after our Wednesday morning class sa Calculus. Binigyan agad kami ng quiz ni Miss.Natutuyo na yung braincells ko. Hindi na nila kayang mag mass produce.
"Nakamove on ka naba Rein?" Jinky asked with a tease smile and I rolled my eyes out of annoyance. I can't say I totally moved on but I know soon I'll get there.
"Napaka bully mo talaga Jinks sa bunso natin." Natatawang saad ni Angel. I ignored them and just closed my eyes.
Lumipas ang araw na wala namang kakaibang nangyari. My schedule sa hapon ay hanggang 2:30 lang kaya naman 3pm ay umalis na ako sa University. My friends and I didn't get to hangout dahil may church pa si Angel at si Jinky naman ay maagang uuwi para hindi maabutan ng traffic. While me on the other hand ay gusto ko munang tumambay near a café here sa university.
When I entered the café ay agad akong nag order ng ramen, fries at green apple yakult. Sa kakatipid ko, sa isahang gastos ko rin naman maiwawaldas.
After some time ay dumating narin ang order ko. Napili ko ang pwesto malapit sa glass wall kaya kitang-kita ko ang labas. Ang nasa harapan naman nito ay isang elementary school kaya nalilibang akong pinagmamasdan ang mga bata doon. I got my laptop at nagstart naring magtrabaho. I have sideline job. Pero it doesn't require much of my time. After kung matapos ang trabaho ko ay tapos ko narin ang ramen. I proceeded to Khan Academy para magstudy ng economics. Walang connect sa degree program ko but I love learning the economy and how it works.
Napaangat ang tingin ko ng may pumasok sa café and I was dumbfounded when it registered in my mind who she is kaya naman ay bigla na lang akong yumuko at nagkunwaring busy. I can see in my peripheral vision na pumunta sya sa counter. Puno narin ang lahat ng table dahil alas singko na. Usually dito tumatambay ang mga gustong magtrabaho o magstudy. I can feel that there is a person in front of me kaya naman tinignan ko ito.
"Hi Miss" Nahihiya kong bati. Malas naman o.
"Can I sit here Mayor? All tables are taken already." She said using a monotone voice. Ayaw ko naman maging bastos kaya tumango na ako.
"Yes, Miss no problem po." Ang plastic ko naman pakinggan. I hope she didn't take the hint.
She put her laptop in the table and busied herself and I too busied myself with the lectures. A waiter approached our table and brought her order at ako naman ay humingi ng service water. Dahil tila nauuhaw ako.
Weve been silent for two hours already. Hindi ako nagsasalita sa kaniya. I opened the tetris app in my laptop at nagsimulang maglaro ayoko pang umuwi dahil mag-isa lang din naman ako roon. I enjoyed being alone, but I enjoyed being outside in the night.
"I was checking your papers you did great in the quiz a while ago and the pretest. You just failed how to prove the trigonometric identities." Biglang sabi ng nasa harapan ko. Altho her eyes were fixed outside the glass wall. She is observing the people around the place. Nasa second floor kasi kami.
"Ah wala po talaga kasi akong background sa trigo Miss." Dahilan ko naman. She hummed and drank her coffee.
"I don't like proving also." Dagdag ko pa.
"I see." Her only comment. Nasa labas parin ang paningin niya kaya naman ay tumingin narin ako sa labas. Sakto naman ay may batang nadapa sa waiting shed doon kaya naman yung mama niya ay parang pinagsabihan siya at umiyak naman ang bata. Natatawa akong umiling.
BINABASA MO ANG
Implicit of x^2+y^2=9
RomanceA mathematician teacher and a statistician student. Will their love be as complicated like math problems? Will it be hard for them to get the correct solution of their problems? Or it will be easy since they are used to solving complicated ones? Th...