Nandito ako ngayon sa apartment ko. Ilang araw narin simula noong dinala ko si Miss sa probinsya. After the scene in the seaside ay inuwi ko na agad siya sa bahay namin doon dahil nakatulog na siya sa balikat ko. Kinabukasan ay hindi narin kami nakapamasyal dahil that James invited her to have a date kaya hinayaan ko na lang kahit gusto ko siyang ipasyal at patikiman sa suki kong bbq place. So I ended up spending my sunday with Uno and Maya. Which was worth it also.
Nang makabalik na kami sa syudad buong byahe ay bukam bibig niya si James. Iniwan ko na lang sana siya sa kaniyang James dahil naiirita na lang talaga ako pagnababanggit niya ang pangalan na iyon.
I wore now my white sneakers dahil aalis ako papuntang University. Friday ngayon kaya wala akong pasok pero may meeting ako for the up coming math week this March. Dahil tamad akong mag jeep ay nag angkas na lang ako.
My phone beeped at ininform ako na nasa labas na ang rider kaya lumabas na ako.
Kinse minutos din bago ko narating ang University. Pumasok na agad ako matapos makapagbayad at magbigay ng tip. Sa Math lab kami magmemeeting ngayon dahil walang block na gagamit doon. Pumunta na ako sa engineering building nang mahagip ko sa paningin ko ang ex ko, she's with her girl na grabe kung kumapit sa kaniya. Pero I wish for her happiness. if masaya siya sa babae niya ngayon masaya narin ako sa kaniya. But she said something to me noong nag Busay kami ni Miss. But it is still useless we are already done.
Umakyat na ako ng hagdan dahil nasa second floor ang math lab katabi lang ng DMS office. I opened the glass door and saw some of my orgmates na nandito narin. Ate Rye, Kuya Chris and Ate Jaz were sitting in the corner at may bakanteng upuan sa tabi ni Ate Jaz kaya roon ako umupo.
"Kaeth nakita ko ex mo. Nakasalubong namin kanina." Bungad agad sa akin ni Ate Jaz nang makaupo ako.
"Yeah bagay sila." Yun na lang ang nasabi ko mukhang naramdaman naman nila na ayoko munang makipag-usap kaya hindi narin sila nagsalita. Few moments later ay pumasok na si Pres na may dala-dalang folder.
"Good afternoon everyone, thank you for coming in this meeting. I am very excited to share the plans of the executive for the up coming math week." Panimula ni Pres and the meeting goes on.
Dalawang oras din kaming nakaupo bago ma end ang meeting. Everyone wanted to eat outside at pinilit naman ako ni te Rye na sumama kaya napaoo ako.
"Wait guys, Miss Marie said na sa resto niya raw tayo kakain. Libre ng mga profs." Sigaw ni Pres na kagagaling lang sa DMS office. May glass wall partition lang kasi ang office at ang lab kaya madali lang ma access ang office dito sa loob.
Nandoon na pala ang ibang prof sa resto ni Miss Marie kaya pinapunta na agad kami. Sabay na kaming nag commute lahat dahil iisang lokasyon lang naman ang pupuntahan namin. Nasa huli kami nila Kuya Chris dahil may chinichika pa si te Jaz tungkol sa fling niya last week.
But Kuya Chris stopped kaya napahinto kami. Dahil nasa huli ako at matangkad si Kuya Chris at Ate Rye ay sumiksik pa ako sa pagitan nilang dalawa para makita ang dahilan nang paghinto nila. And to my surprise hinarangan pala kami sa kotse ni Miss Cruz.
The windows rolled down.
"Hop in." She said and closed the window.
"Ha?" Te Jaz uttered and looked at us na nagkatinginan din sa isa't-isa. Nagkibit balikat si Ate Rye at pumasok na sa loob. They all went to the passenger seat kaya naglakas loob na lang akong pumasok sa front seat.
"Miss pupunta rin po pala kayo sa resto ni Miss Marie?" Pagtatanong ni Kuya Chris. Miss glanced at him for a second and started the car.
"Yes kaya isasabay ko na kayo."
YOU ARE READING
Implicit of x^2+y^2=9
RomanceA mathematician teacher and a statistician student. Will their love be as complicated like math problems? Will it be hard for them to get the correct solution of their problems? Or it will be easy since they are used to solving complicated ones? Th...