CHAPTER 7

586 17 1
                                    

Archer

Bumalik kami sa pagkain namin ng matapos ang magandang eksena.Grabe ang cool ni sierra!  I think idol kona siya kakaiba siyang babae halatang ayaw niya ng natatalo o naaapi mukhang may katapat na si boss hendrix neto.

"Pre grabe ang cool ng pinsan mo! Tingin ko tuloy may gusto nako sakanya" Sabi ko kay kale.Muntik pang magkabugahan ng iniinom dito sa table namin dahil sa sinabi ko.

Anong problema ng mga to?

"Tangina pre seryoso ka may crush ka don? eh mas lalaki pa sayo yun" natatawang sabi ni khalil.napasimangot naman ako sa sinabi niya masama bang magka crush kay sierra ganda kaya niya ang angas pa.

"Maganda naman si sierra kaya hindi nako magtataka kung may crush ka sa kanya tingin ko ako nga din may crush na sa kanya" sabat ni max kaya lahat kami literal na nabuga ang kinakain.

"Wag kami max basta magandang babae talaga crush mo agad"

"Tang- mga seryoso ba kayo? wag niyo ng balakin na mag kagusto kay sierra malabong magustuhan din kayo non" sabi ni kale.

"Hindi naman ako umaasa na magustuhan niya dude humahanga lang talaga ako sa kanya" Mukhang nakahinga naman sila ng maluwag sa sinabi ko. tsk parang napaka big deal naman sa kanila kapag may gusto ako kay sierra.

Pero hindi naman masama ang umasa diba? hehe.

"Are you all done talking? finish your food we'll going to visit trav" Sabi ni hendrix kaya agad naming tinapos ang pagkain namin.tumayo naman agad kami at lumabas na ng cafeteria.

°°°°•°°°°

Nandito na kami sa harap ng clinic unang pumasok ay si hendrix sumunod si Elliot kaya nagsipasok nadin kami.

"Wazzup dude kamusta ang paghiga mo dito masarap ba?" pang aasar ni max kaya sinapak siya ni trav sa braso.

"Tsk gusto kona ngang lumabas nakakaasiwa dito mga pre masyadong boring" sagot ni trav

"Alam moba pre may sinapak sa cafeteria si sierra!" pagkukwento ni ethan kay trav.agad namang napasimangot si travis ng marinig niya ang pangalan ni sierra.

Mukhang bitter to sa pagkabugbog ni sierra sa kanya pinatulan niya pa kasi. Babae si Sierra kaya dapat hindi niya pinatulan ayan tuloy napala niya.

"tsk hintayin niya lang na gumaling ako babawian ko siya kahit babae pa siya" asik ni trav.napailing nalang kami sakanya. wala yatang kadala dala itong si pareng travis gusto na yatang hindi na makaalis dito sa clinic.

"Trav wag mo na balakin na gumanti baka hindi lang yan ang abutin mo kay sierra" seryosong sabi ni kale. sumimangot naman si trav at napabuntong hininga.

Buti nalang talaga ako goodboy medyo maloko nga lang.namimiss ko tuloy makipag balian ng buto sa mga kaaway ko.

"Bilisan mong magpagaling trav" himala nagsalita na si elliot simula kasi ng dumating si sierra tahimik to eh hindi ko alam kung bakit natameme to. siguro sa ganda ni sierra.

yung mukha kasi ni sierra ang ganda para siyang anghel na ibinaba sa lupa dahil ginawang pang sabong yung manok ni san pedro joke. pero maganda talaga siya mula sa kilay niyang may kakapalan.her long thick eyelashes, her reddish lips natural lang ang pagka pula ng labi niya parang ang sarap hali- what the- No archer kalma dinedescribe lang natin ang mukha niya bat may pa halik kang nalalaman.

Nabalik ako sa reyalidad ng batukan ako ni luigi problema nito nangbabatok nalang bigla

"Mukha kang tanga ngingiti ka tas biglang iiling" sabi niya. seryoso? grabe baliw na yata ako.

si sierra kasi pinuputakte yung utak ko.

"Oo nga dude sabihin mo lang kung may sira na yang utak mo dadalhin kana namin sa mental" natatawang usal ni max kaya nasimangot ako. si sierra kasi eh.

"Ano kaba max kailan pa nag ka utak yang si archer?HAHAHAHAHHA" isa pa tong si ethan nang asar pa.

"Bahala nga kayo diyan, papasok nako sa room baka nandon na si sierra my crush" sabi ko sa kanila at nag mamadaling tumakbo dahil mukhang pipigilan pa nila ako.

Sana tanggapin nalang nila si sierra mukhang masarap naman siyang kasama kaso nga lang para siyang si hendrix o baka mas malala pa nga dahil ang lamig kung makitungo kala mo mauubusan ng laway kapag nag salita.

Si hendrix hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon.may balak kaya siyang masama kay sierra? parang ang lalim kasi ng iniisip niya, siguro iniisip non kung papaano papaalisin si sierra.

Sana dito nalang si sierra gusto ko siya makasundo para naman may babae na ulit sa section namin.

Napahinto ako sa pag iisip ng may marinig akong pamilyar na boses

teka si my crush yun ah

Sumilip ako sa gilid ng classroom namin at don ko siya nakitang may kausap sa telepono nakatalikod siya sakin kaya hindi niya ako nakikita.Papasok na sana ako sa room ng mapahinto ako sa sinabi niya.

"Yeah kill them all, after that make sure to leave a note para alam nila kung anong mangyayari sa kanila kapag trinaydor din nila ako"

"No! wala kang ititira nararapat lang yan sa mga traydor na katulad nila"

s-sino ang pa-patayin? hindi naman siguro kami yun d-diba?

" Wag ka nga mag isip ng ganyan archer! baka naman namali lang ako nang dinig? oo tama mali lang " pagkausap ko sa sarili ko.

fuck kinilabutan naman kasi ako sa word na papatayin malay ko bang pinag paplanuhan na pala kami ni sierra?

tapos pinaabangan kami sa labas tapos binugbog, pinahirapan at pagtapos hinagis sa ilog?!

No no masyado akong nag iisip ng kung ano ano baka hindi talaga kami yon. masyado lang akong over react? hindi naman ganon ang tingin ko kay sierra mabait naman ito at tyaka hindi naman namin siya trinaydor diba hehe.

Bumuntong hininga nalang ako bago magpatuloy pumasok sa classroom bago baka kasi makita pa ako ni sierra sabihin chismoso ako at baka magkatototoo ang iniisip ko.

guide your handsome son papa god if i die many woman will cry AMEN.

Crimson Academy: The Only Girl In Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon